^

PSN Opinyon

Wala nang hadlang

K KA LANG? - Korina Sanchez -

IBINASURA na ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ni Merceditas Gutierrez, kung saan hiniling niya sa Mataas na Hukuman na pigilin ang proseso ng pag­ papatalsik sa kanya sa mababang kapulungan. Ibig sabihin, wala nang hadlang sa proseso ng pagpapatalsik sa kanya, na uumpisahan na sa Kongreso. Nitong mga nakaraang araw, nilarawan ni Gutierrez na personal siyang pinag-iinitan ng Kongreso. Na pulitika lang ang nasa likod sa mga kilos sa kanyang pagpapatalsik, at may motibo ang marami sa Kongreso na tanggalin siya dahil mga kasong nakabinbin sa Ombudsman para sa iba’t ibang dahilan. Kinumpara pa ang sarili kay Ninoy! Ganyan talaga kapag nakikita na ang katapusan. Kahit ano, sasabihin.

Palagi nilang sinasabi na dalhin siya sa korte. Eto na nga iyon. Mataas na Hukuman na ang nagsabing pwede nang magsimula ang proseso para siya patalsikin. Pulitika? Pulitika rin naman ang naglagay sa kanya sa puwesto, pulitika ang ginamit para sa pagpapatakbo ng tanggapan ng Ombudsman, pulitka ang gabay sa pagsampa o hindi pagsampa sa mga kaalyado at kaaway ng dating admi-nistrasyon, at pulitika rin ang dahilan kung bakit may 50 kongresista ang may kaso sa Ombudsman. Tama, pulitika naman lahat! Hindi ba pwedeng sabihin na kaya maraming may kaso sa Ombudsman ay para hindi nga siya patalsikin? Para may dahilan na siya’y panatilihin at mapakiusapan sa kani-kanilang mga kaso? Hindi ba puwedeng dahilan iyon?

Kung talagang naging tapat sa kanyang trabaho, kung wala talagang kinikilingan na tao, kung patas ang tingin sa lahat na dapat naman kapag batas na ang pinag-uusapan, ano ang takot ni Merceditas Gutierrez sa hinaharap na impeachment? Pero hindi ganun ang nangyari. Si Ja­cin­to Ligot nga, ngayon lang kakasuhan ng Ombudsman kahit gabundok na ang mga ebidensiyang nakalap na nagpapatunay sa kanyang pandarambong! Pati asawa at bayaw niya dapat na ring kasuhan! At marami pang mga okasyon kung saan tila sadya niyang inupuan ang ilang mga kaso, dahil kaalyado sa pulitika ang nadadawit. Wala nang hadlang para matanggal na ang huling tagabantay ng dating administrasyon. Sana nga ay tumuloy-tuloy na, para magkaroon na ng tunay na pagbabago sa lahat ng sangay ng gobyerno!

vuukle comment

ETO

HUKUMAN

KONGRESO

KORTE SUPREMA

MATAAS

MERCEDITAS GUTIERREZ

PARA

PULITIKA

SI JA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with