^

PSN Opinyon

Samson at Pacia

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SOBRANG tuwa ng ilang station commander ng Manila Police District (MPD) dahil sa bago nilang puwesto. Subalit ang kasiyahan ay nauwi sa dismaya matapos matantiya na sobrang liit ng intelihensiyang mata­tanggap. Ang lihim na ito’y sa akin lamang binulgar ng ilang nagmamalasakit na pulis. Kapag naka­rating ito kay Mayor Lim, tiyak sa kangkungan uli sila pupulutin. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit itinalaga ni Lim si Jay Dela Fuente para habulin ang gambling operators subalit sa kalaunan ay mukhang namantikaan na rin ito kaya nangalagas ang pangil sa paghabol sa mga ilegalista ng lungsod. Kung ang mga tusong gambling lord tulad ni Erlan Samson ay inilubog ang mga palaro nila, lalong inilubog ito ng bookies operator na si Pacia kasabwat ng mga engkargado ng mga station commanders. Kaya dapat magpalit ng mga enkargado ang station commanders para maarok nila kung magkano ba talaga ang nararapat sa kanila. Kasi nga kapag hindi sila kumilos goodbye na sa mga paghihirap nila. Ibig kong sabihin, trabaho nang trabaho ang station commanders at ang kikita ay sina Samson, Pacia at kakutsaba nilang enkargado.

Nagtataka ang mga bagong upo na station commanders kung bakit kokonti ang idinideklara ng mga enkargado nila ng mga pasugal nina Oscar Simbulan alyas Boy Abang, Lando Simbulan, Erlan at kapatid na Emong Samson, at SPO3 Barto­lome “Tom” Sacueza. Samantalang ang alam nila, namu­mutakti ang mga puwesto ng mga ito sa hurisdiksiyon nila lalo na ang bookies ng karera. ‘Ika nga inilubog ng gambling lords ang mga trabaho nila para makabawas ng lingguhang intelihensiya. ’Yan ay dahil mga engkargado ang binubusog ng mga GL.

Si Pacia ay bata ni Sacueza. Subalit ang lahat ng binitiwang butas ni Apeng Sy ay pinag-agawan ng gambling lords at mga enkargado at ini-umbrella kay Pacia. Sa ganitong usapan, P1,000 ang ibabayad kay Pacia bawat butas. Kapag hinuli ang mga butas na naka-umbrella, sasaluhin ni Sacueza at presto… kikita sila sa ganitong sistema. Kung inilubog ni Pacia ang trabaho ng mga tusong gambling lord, nailubog pa lalo sa pagpasok ng mga bangka nina Johnny Yu at Atong alias Choy.

Ganito ang sistema nina Yu at Atong. Kukutsabahin nila ang mga may-ari ng bahay at kung magkano ang bayad ng mga GL ay dodoblehin nila. Subalit ang usapan ay hahatiin nila ang kubransa ng karera. At ang mga runner lang ang susuwelduhan nina Yu at Atong. Kaya sina Yu at Atong ay walang lingguhang intelihensiya. Kaya ang lubog na trabaho ni Pacia ay lalong pinalubog nina Yu at Atong na kamag-anak ni Caloy, na sumisira sa kautusan ni Mayor Alfredo Lim sa paglipol ng sugal ng lungsod. Abangan!

vuukle comment

APENG SY

ATONG

BOY ABANG

KAYA

NILA

PACIA

SACUEZA

SUBALIT

YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with