^

PSN Opinyon

'Foolitics' sa Caloocan

- Al G. Pedroche -

NAKAKAALIW, nakababaliw talaga ang Philippine “foolitics”. Isang klasikong ehemplo ngayon ang aking lungsod ng Caloocan.

Si ex-mayor Rey Malonzo na dating kaalyado ni Caloocan Mayor Recom Echiverri ay kakampi na ni ex-Rep. Luis “Baby” Asistio. Panay ang banat kaliwa’t-kanan sa Alkalde ng lungsod. Si Malonzo ang vice mayoral   running mate ni Asistio na kamakailan ay diniskuwalipika ng COMELEC sa pagtakbo dahil sa umano’y pekeng address na idineklara sa certificate of candidacy.

Bago maging mayor, kaalyado ni Malonzo sina  Echi­verri at Oca Malapitan (na naging kongresista). Ang misyon nila: Lansagin ang paghahari ng mga Asistio. Maraming taon na ang nakalilipas. Binansagan ko silang “tres moskiteros” at “inseparable trio” nang interbyuhin ko sila sa aking radio program noon sa DWBR. Isa rin kasi ako noon sa mga naghahangad ng reporma sa     Calo­ocan na akin nang naging tahanan sapul pa ng    ako’y pitong taong gulang. Ganyan pala sa “foolitika”.     Ang kala­ban mo noon ay kaaway mo ngayon (and vice versa).

Si Malonzo umano ang ginagamit na taga-upak ni Asistio. Ang taong dating kontra-Asistio ay siya ngayong bumabanat sa mga kalaban ni Asistio. Sa kanya raw    radio program, pulos pang-iinsulto ang ginagawa ni Ma­lonzo sa mga tirada at tsismis kay Echiverri ka­ya’t ngayo’y binansagan siyang “Boy Abunda” ng Ca­loocan.

Wika ng ilang nakakikilala kay Malonzo, siya raw  ang pinakahuling taong may karapatang mamersonal dahil sa umano’y masalimuot ding nakaraan. Di na dapat ide­talye ang karaniwang sakit ng maraming kabaro ko na maging ang dating Presidente ng Pilipinas ay naging tam­pulan ng bati-kos noong araw. Dito na­aangkop ang talata sa Biblia nang sabihin ng Pa­ nginoong Hesus na ang sino mang walang kasa- la­nan ay kumuha ng bato at pukulin ang babaeng ina­­akusahang makasa­lanan.

Panahon na para i-a­ngat ang antas ng pa­nga­ngam­panya at mga isyu na lang ang pag­de­batihan imbes na mga ma­la­las­wang kwento tulad ng gi­nagawa ni Ma­lonzo.

vuukle comment

ALKALDE

ASISTIO

BOY ABUNDA

CALOOCAN MAYOR RECOM ECHIVERRI

MALONZO

OCA MALAPITAN

REY MALONZO

SHY

SI MALONZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with