Wakasan ang extra-judicial killings!
DURIAN SHAKE () - September 6, 2009 - 12:00am

PAGKATAPOS ng ilang buwang pananahimik, tila big­lang tumaas na naman ang bilang ng mga biktima ng summary killings dito sa Davao City. Nitong nakaraang buwan ng Agosto lamang, labing lima ang naitalang kaso ng mga pinatay sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.

Hindi na kaaya-ayang panoorin sa mga balitang telebisyon dito at maging sa radyo at mga diyaryo ang magkasunod na kaso ng mga walang-awang pinapatay.

At nitong kapapasok lang na buwan ng Setyembre umabot na rin ng walo ang walang-awang pinatay. Isa sa mga biktima ay si Wilfredo Duterte, 57, isang tricycle driver na pinaslang noong Miyerkules ng gabi sa Ba­rangay Licanan, dito sa Bunawan district.

Si Wilfredo Duterte ay sinasabing kamag-anak daw ni Mayor Rodrigo Duterte na naging sentro ng isang in-depth investigation ng Commission Human Rights dahil umano sa kanyang involvement sa Davao Death Squad vigilante group na siyang tinutumbok na nasa likod ng mga summary killings dito simula pa noong taong 2000.

Ang CHR probe ay nagsimula noong unang linggo ng Abril at hinihintay na lamang ngayon ang resulta ng magkasunod na public hearings na ginawa ng CHR commission en banc na pinangunahan mismo ng Chairman Leila de Lima.

Ilang ulit na mariing tinatanggi ni Mayor Duterte ang mga paratang na may kinalaman siya sa mga sinasabing patayan na ang mga naging biktima ay mga suspetsa­dong involved sa ilegal na droga at sa kung ano pang krimen.

At nakatuon nga kay Mayor Duterte ang imbes­ti­gasyon ng CHR na naging daan sa kanyang pag-resign bilang deputized representative ng National Police Commission (Napolcom).

At nitong nakaraaang linggo, hiningi nga ni Mayor Duterte sa CHR na bumalik dito sa Davao City at tumu­long sa pag-iimbestiga sa panibagong pagtaas ng bilang ng summary killings.

Inamin ni Duterte na maging siya ay naaalarma sa mga pangyayari at kailangan na nga niya ang tulong ng CHR upang imbestigahan ang mga panibagong kaso ng patayan dito.

Tinawag din ng mga miyembro ng Sangguniang Pang­lungsod ang pansin ng mga opisyales ng Davao City Police Office na kumilos na ‘and get to the bottom of things’ ukol sa summary killings sa siyudad.

Maging ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ay nababahala na sa tumataas na kaso ng extra-judicial killings dito. 

Hinihimok ng mga mamamayan ang pulisya rito na hindi lamang imbestigahan ngunit wakasan na ang summary killings.

Hindi pupuwedeng magpatuloy ang karahasang ito. Tigilan na.

NPA todas sa engkwentro

Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army ng makasa­gupa nito ang tropa ng mga sundalo sa Brgy. Bacungan, Magsay­say, Davao del Sur kamakalawa.

Patuloy pa rin inaalam ang pangalan ng napatay na NPA na iniwan ng kanyang mga kasamahan. Ang eng­kwentro ay naganap dakong alas 10 ng umaga sa Sitio, Lamiago, ng nasabing bayan, habang nagpapatrolya ang tropa ng military at nasalubong ang mga rebelde. Tumagal ng 15-minuto ang pagbabakbakan at nareko­ber sa pinang­harihan ang isang M16 rifle, mga doku­mento ng komunis­tang grupo, apat na jungle packs, mga personal na kaga­mitan, bandila ng NPA medical kit atbp. (Joy Cantos)

CHAIRMAN LEILA COMMISSION HUMAN RIGHTS DAVAO CITY DAVAO CITY POLICE OFFICE DAVAO DEATH SQUAD DITO DUTERTE MAYOR DUTERTE SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with