^

PSN Opinyon

Estilong hulidap sa Station 10, hulog sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Sa lengguwahe ng BITAG, ito naman yung modus na gawain ng ilang otoridad na hulihin ka dahil may nilabag ka “raw” na batas subalit kikikilan ka ng pera para makalaya.

May ilang taon na rin at ilang beses nang nai-expose sa programang BITAG ang raket na ito ng ilang kapulisan kung saan ilang kapatid nating Muslim ang nagiging biktima.

Dahil dito, matagal-tagal ring namahinga ang BITAG sa ganitong kaso dahil tumigil na ang ilang abusadong pulis na gumagawa nito.

Subalit nitong Hunyo, isang ginang ang lumapit sa Public Service Day ng BITAG nung Miyerkules.

Ang kanyang asawa, hinuli raw ng mga pulis ng Station 10 sa Quezon City, ang atraso—drug pushing.

Mariing pinabulaanan ito ng ginang, dahil ito raw ay may tindahan at computer shop lamang.

Kuwento pa ng ginang, biglang pinasok ang kanilang bahay at tindahan ng walang kaabog-abog, naghalughog pa ang mga pulis sa loob ng kanilang bahay ng wala man lang ipinakitang search warrant.

Pagkatapos ay binitbit ang kanyang asawa papunta sa Station 10 sa Kamuning.

Subalit pagdating sa istasyon ng pulis, para daw makalaya ang kanyang asawa at maabsuwelto ito sa kaso, hinihingian siya ng mga pulis ng tatlong daang libong piso.

Nang manghimasok ang BITAG sa kasong ito, kakatwa ang aming na­tuklasan.

Sa report ng imbesti­gador ng Station 10, ayon daw sa mga pulis ng Anti-drugs, isang buy-bust operation ang kanilang ginawa.

Subalit sa striker o police asset ng Station 10 na kasama mismo sa gina­wang operasyon ng mga pulis, pinasok raw nila ang loob ng bahay at may ipinakitang search warrant.

Ang buong paglalantad ng BITAG sa kapalpakan, katarantaduhan at estilo ng bulok na raket ng ilang pulis ng Station 10 ka­harap ang BITAG ngayong Sa­bado sa IBC 13, ABA­NGAN!


BITAG

DAHIL

HUNYO

ILANG

KAMUNING

PUBLIC SERVICE DAY

PULIS

QUEZON CITY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with