^

PSN Opinyon

Malawakang kontra con-ass

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Naganap ang kilos-protesta noong Miyerkules, laban sa con-ass na isinulong ng mababang kapulungan. Libo-libo rin ang dumalo, mula sa iba’t ibang grupo at sektor ng lipunan. Maayos at mapayapa naman. Pinagtatalunan kung ilan ang dumalo sa nasabing rally sa Makati, depende kung sino ang tatanungin mo, pero maliwanag na mas konti ito kumpara sa mga lumipas na rally na kontra sa mga palakad at patakaran ng administrasyon. Pero hindi ito ibig sabihin na ang mga dumalo lang sa rally ang mga hindi sang-ayon sa con-ass. Marahil ay may bagong pamamaraan na rin para maghayag ng protesta laban sa con-ass.

Sa internet, lampas 20,000 ang sumusuporta sa pagtu­tol sa con-ass. Ang laban ay dinadala na rin sa internet, na isang mahalagang behikulo para sa pag­kakalat ng inpormasyon, pati na rin ang pagsulong ng isang kam­panya, maging pulitikal o hindi. Ginamit nang husto ni US President Barack Obama ang internet para mangam­panya sa mga kabataan. At mukhang mata­gumpay naman ang ginawa niyang paraan. Habang du­madaan ang panahon, nagbabago na rin ang mga pama­maraan para maihatid ang mensahe o ang damdamin ukol sa mga isyu na maiinit. Kaya malawakan pa rin ang kontra con-ass!

At ito na nga ang mainit na isyu ngayon. Ang pagsu­long pa rin ng con-ass sa kabila nang malawakang pagtutol sa kilos na ito para baguhin ang Saligang Batas. Mismo ang pinaka-malakas magtanggol kay President Arroyo ang nagsabi na kung mapapalitan nga ang Sali­gang Batas, sa tingin niya ay tatakbo nga si Arroyo bilang kongresista ng Pampanga, para makaposisyon at mahalal na prime minister. Kapag nangyari iyan, ilang taon na naman tayo na nasa ilalim ng isang adminis­trasyong Arroyo! Ito ang tinig ng tao na inamin din na siya ang nag­kumbinse kay Arroyo na tumakbo ulit   noong 2004 bilang presidente. Para namang kailangan pa natin ng karag­dagang dahilan para kasuklaman si Raul Gonzales!

Kaya siguradong hindi ito ang huling kilos-protesta na magaganap sa darating na panahon, lalo na kapag tuluyan nang kumilos ang Kongreso nang hindi sinasali ang Senado. May dahilang mangamba ang taumbayan, kahit ano pa ang sabihin ng mga tauhan ni Arroyo.


vuukle comment

ASS

KAYA

PARA

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT BARACK OBAMA

RAUL GONZALES

RIN

SALIGANG BATAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with