Halaga ng tubig kapag nilalagnat
DAHIL sa pagbabago ng panahon, marami ang nilalagnat ngayon. Pero alam n’yo bang mahalaga ang pag-inom nang maraming tubig kapag nilalagnat. Kapag mara ming uminom ng tubig ang nilalagnat, maiiwasan niyang ma-dehydrate. Kapag nilalagnat ay nagpapawis ang katawan at ang ibig sabihin nito ay mataas ang temperatura ng katawan. Kapag mataas ang temperatura ng katawan magreresulta ito sa pagkawala ng tubig sa ating katawan. Kaya ipinapayo na nararapat na uminom ng 1.7 litro ng tubig o mahigit pa para maiwasan ang dehydration.
Ang normal na temperature ng katawan ay 36 centegrade. Mababa ang temperature ng katawan sa umaga at mataas sa gabi. Hindi pare-parehas ang temperature ng mga tao, mayroong ang normal na temperatura ay 0.6 centegrade. Mahalaga namang malaman na ang pagkakaroon ng lagnat ay indikasyon na nakikipaglaban ang katawan sa infection.
Maliban sa pagkawala ng fluid sa katawan kung may lagnat. Mabilis ding magburn ng energy ang katawan. Kapag may lagnat, nawawalan din ng panlasa ang nilalagnat. Ang iba ay may diarrhea at pagsusuka. Ipinapayo na huwag kakain nang marami ang nilalagnat.
Kapag ang mga bata ay may lagnat, maaari siyang bigyan ng paracetamol at punasan ng maligamgam na tubig ang katawan. Kapag hindi pa bumaba ang lagnat hang-gang tatlong araw, at may mga sintomas kagaya ng pananakit ng katawan at may rashes, ikonsulta na sa doctor.
* * *
Bilang bahagi ng paggunita at selebrasyon sa Ruby year ng Makati Medical Center ang Continuing Medical Educations (CME) ay magkakaroon ng exhibits sa lav fora on wellness, health conditions, illness and their preventions. Ang mga aktibidad na ito ay open sa publiko at libre. Magsisimula ang exhibits ng May 10-23, 2009 sa Makati Medical Center. Tumawag sa 8888-999 local 8182.
- Latest
- Trending















