^

PSN Opinyon

'Meron kaya akong appendicitis?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, madalas pong sumakit ang aking tiyan at ang sakit ay gumagapang hanggang sa aking likuran. Sabi po ng kaibigan ko ay baka raw may appendicitis ako. Ganoon daw po ang naramdaman ng kanyang kapatid na naoperahan sa appendicitis. Kapag nakainom naman ako ng paracetamol ay nawawala na ang sakit. May posibilidad po kaya na may appendicitis ako? —Lorna Dela Fuente Ng Marinduque

Mas maganda kung magpapakunsulta ka sa isang doctor para matiyak mo ang pananakit ng iyong tiyan. Ang doctor lamang ang makapagsasabi ng iyong sakit at     hindi ang iyong kaibigan o sino pa man. Huwag kang manini­wala sa sabi-sabi.

Kapag namaga ang appendix tinatawag itong appendicitis. Ang vermiform appendix ay supot na ang haba ay 9-10 centimeters. Alam n’yo ba na ang appendicitis ang pinaka-karaniwang abdominal emergency sa buong mundo.

Ma-babae o ma-lalaki ay apektado ng appendicitis, tanging ang mga bata na may edad na dalawa pababa ang hindi nagkakaroon ng appendicitis. Karaniwang nagka­karoon ng appendicitis ang mga kabataan na may edad 25.

Ang sintomas ng appendicitis ay ang pananakit ng tiyan, mula pusod hanggang sa tagiliran. Mas lalong madarama ang kirot kapag gumagalaw o kaya’y umuubo.

Ang iba pang sintomas ng appendicitis ay ang pag­susuka, kawalan ng panlasa at lagnat.

Ang mga may sintomas ng appendicitis ay nararapat na kumunsulta agad sa doctor para maisagawa ang paggamot dito o ang tinatawag na appendicectomy (surgical removal of appendix). Kapag hindi naopera ang appendix, nasa panganib ang pasyente. Magkakaroon ito ng nana at puputok at ma­gi­ging gangrenous. Ma­a­aring malason ang iba pang bahagi ng internal organs kapag pinabayaan ang pumutok na appendicitis.


vuukle comment

ALAM

APPENDICITIS

DR. ELICA

GANOON

HUWAG

KAPAG

KARANIWANG

LORNA DELA FUENTE NG MARINDUQUE

MAGKAKAROON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with