^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Dagdag na pondo, hiling ng DepEd

Pilipino Star Ngayon

HUMINGI kamakailan ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang P8.18 bilyon para sa 2027 budget upang makapag-empleyo ng mas maraming security guards at makapaglagay ng metal detectors, CCTV at perimeter fences sa public schools.

Ang kahilingan ay umusbong matapos ang tatlong deadly school shootings mula noong Hunyo kung saan may mga estudyanteng namatay. Ang mga suspect sa shooting ay mga estudyante rin ng eskuwelahan.

May malinaw na dahilan kung bakit kailangan ng dagdag na pondo. Sa pinakahuling audit ng DepEd, 39 percent lamang ng mga paaralan ang may security guards, habang wala pang kalahati o 48 percent ang may active CCTV cameras.

Pero hindi sapat na maglagay lamang ng camera sa pader o magtalaga ng isang guard sa gate at sabihing ligtas na ang paaralan.

Mismong mga mambabatas ay nagtatanong kung ano ba talaga ang tamang bilang ng security personnel sa bawat school. Sa ngayon, iminungkahi ng DepEd ang isang guard para sa mga maliliit na paaralan, dalawa sa malaki at apat sa pinakamalalaki. Ngunit wala pa umanong pag-aaral na nagtatakda kung ito nga ang ideyal na bilang.

Mahalaga ito dahil magkakaiba ang pangangailangan ng bawat campus. May paaralang kakaunti lamang ang ­estudyante at entry points; mayroon namang malawak ang bakuran, mara­ming gate at libu-libong estudyante. Kaya dapat nakabatay sa aktuwal na panganib at pangangailangan ang security plan. At kahit may kagamitan, kailangan pa rin itong gamitin nang tama.

Sa San Jose National High School sa Tacloban, may dalawang security guards sa gate nang mangyari ang shooting. Random lamang ang bag inspection dahil magkakaroon umano ng mahabang pila kung lahat ay itsi-check. May CCTV rin, pero may blind spots.

Sinabi rin sa Senate hearing na ginagamit lamang ang ilang camera para sa recording at walang nakatutok na personnel na regular na nagmo-monitor ng live feed.

Kaya bago gumastos ng bilyun-bilyong piso, dapat malinaw ang standards: aling paaralan ang mas mataas ang risk, ilang guard ang kailangan, saan ilalagay ang cameras, sino ang magmo-monitor, at ano ang gagawin kapag may nakitang banta.

Ang school safety ay hindi nasusukat sa rami ng CCTV o guard.

Ang tunay na proteksiyon ay nagmumula sa malinaw na sistema, sapat na tao at maayos na paghahanda bago pa mangyari ang susunod na insidente.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with