^

PSN Opinyon

P/Col. Robert Domingo, tahimik ngunit mabalasik

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG hindi sumalto si Police Regional Office 3 (PRO-3) Director P/BGen. Jess Mendez sa pagtalaga kay P/Col. Robert Domingo bilang hepe ng Angeles City Police Office. Kasi nga tahimik lang itong si P/Col. Domingo, subalit wala pang tatlong buwan na pamumuno ang naturang lungsod aba’y, kaliwat-kanan na ang accomplishments na ipinamalas. Hehehe! Kung sabagay noong makasama ko itong si Col. Domingo sa Manila Police District (MP) mula early 2000s, tinagurian ko itong “small but terrible” kasi nga bawat napuwestuhan nito ay nagkamit ng iba’t ibang accomplishment. Get nyo mga suki? Maraming taon na hindi ko ito nakadaupang palad at nakasama sa mga operasyon at ang huli kong balita ay na-assign ito sa Muntinlupa City. At ngayon ay nabalitaan kong napabilang pala siya sa mga opisyales na binigyan ng puwesto ni PRO-3 Dir. Mendez. Halos walang kapaguran na ginalugad ni Domingo ang buong Lungsod ng Angeles City, lingid sa kaalaman ng mga Cabalen natin. Hehehe! Ang pinakahuli ay ang pagkadakip sa isang lalaking Nigerian national na kabilang sa high value target sa Buy-Bust Operation nitong Oktubre 16, 2026 sa Barangay Balibago. Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng aabot sa 3,510 piraso ng ecstasy tablet na may halagang P5,967,000. Kung nakalusot na naman itong isang damukal ng droga tiyak na marami na naman ang mapapariwara ang kabuhayan at lalaganap na naman ang krimen. Di ba mga suki?

Ayon kay Domingo, may ilang linggo nilang sinubaybayan ang mga kilos ng suspek at ng makakuha ng ­pagkakataon agad isinagawa ang operasyon at swak sa selda ang banyaga. Hehehe! Agad na ipinasa ni Domingo ang kredito kay PRO-3 Dir. Mendez, dahil sa galing nito sa pagpapatakbo sa kanyang mga tauhan gayundin ang sustained intelligence work at close coordination sa paglaban sa kriminalidad lalo na sa iligal na droga. “Illegal drugs do not recognize boundaries, so our units must continue sharing information and working together. This operation shows what sustained intelligence work and coordinated action can accomplish. We will remain focused on pursuing high-value drug personalities and preventing these substances from reaching our communities, especially our young people,” ayon kay Mendez.

Ano nga ba ang sikretong malupit ni Domingo sa pamumuno sa Angeles City Police Office? Ayon kay Domingo, simple lang ang kanyang mga kapulisan doon, palaging nagsisilbi sa taumbayan ng nakangiti, alaga ang kanyang mga tauhan sa mga ayuda, logistics man o finances…Aba, aba! Panalo nga ang mga pulis sa anim na istasyon ng Angeles City. Pauna pa lang yan mga suki. Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with