^

PSN Opinyon

Suporta sa panukalang Goat and Sheep Center

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NARITO po ang liham ng mambabasa na aking natanggap:

Kami po ng aking pamilya at mga kamag-anak ay may maliliit na bukirin sa Bgy. Dao, Sitio Ander, Batangas City. Kami ay may mga alagang hayop-bukid tulad ng baka, kambing, baboy at mga manok na Tagalog.

Ang mga alaga namin ay hindi gaanong mataas ang lahi, at mahina at matagal ang paglaki. Mahirap na rin po ngayon dito sa amin ang pagpastol ng aming mga alaga dahil ang kalakhan ng mga lupang damuhan ay nabili na ng mayayaman. Upang maging malusog ang aming mga alaga tuwing malapit nang ibenta ay aming sinusuportahan ng animal feeds, kahit mataas ang halaga ng feeds na ito. Sa kabuuan po ay kokonti na lang ang aming tinutubo.

Salamat po at tamang-tama ang pagkakataon na nabasa namin ang inyong sipi tungkol sa Philippine Goat and Sheep Center na ipinanukala ng inyong anak na si Senate President pro tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

— MGA TAGASUPORTA AT TAGASUBAYBAY NINYONG LAHING BATANGUENO SA DIVERSION ROAD, BOLBOK, BATANGAS CITY: GINOONG PETRO­CIELLI A. CAMACHO; PEDRO A. CAMACHO, JR.; FELIX DE LOS REYES; GILBERT CUETO; THELMO R. CUETO; PETER PAOLO A. CAMACHO; CAMILO DE LOS REYES; EPIFANIA AREVALO CAMACHO; LEOCIO D. AREVALO; ENGRACIA DE LOS REYES; JON PETARCH A. CAMACHO; REMILYN CUETO CAMACHO; ANTHONY GUTIERREZ AT WILSON ROSALES

Dear Mr. Camacho at mga kasama:

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag­tangkilik sa aking kolum dito sa Pilipino Star NGAYON at sa patuloy n’yong suporta.

Ang mga detalye po na itinatanong ninyo tung­kol sa naturang panukala ay tatalakayin pa ng mga senador, pero umasa po kayo na ang inyong mga concern ay ikokonsidera ni Jinggoy. Pansamantala po, ang ibang detalye na nais nyong malaman ay available sa Department of Agriculture.

* * *

Para sa mga suhes­tiyon o komento, mag-e  mail sa doktora_ng_ [email protected]

vuukle comment

CAMACHO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

MR. CAMACHO

NOGRAPHTYLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with