^

PSN Opinyon

Angat Pinay!

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NOONG Martes ng gabi, ang EDSA naging EDSR (Epifanio De los Santos River). Sandaling buhos ng ulan at ang kahabaan ng EDSR, lalo na ang Cubao hanggang Kamu­ning, nadelubyo. Siyempre, libo ang naantala. Ang dating kalahating oras na biyahe, naging 2 hanggang 4 hours.

Ang ganitong pangyayari ay paalala lang na patuloy pa rin ang buhay sa labas ng canvassing centers ng PICC at mga Kapitolyo. Kailangan pa rin ng bayan ng pamumuno. Ang mga “basic” na pangangailangan ng Pilipino ay hindi pa rin maibigay. Mababa ang sahod, mataas ang bilihin, lubak-lubak ang kalye, at konting ulan, baha. Mas maganda sana ang pamalakad ng gobyerno kapag nasa kanila ang buong tiwala at kumpiyansa ng taongbayan. Sa ngayon ito ay kulang na kulang. Hindi nakakatulong na wala pa ring kasiguruhan sa resulta ng mga Senador. Diskumpiyado ang tao sa COMELEC, diskumpiyado lalo kay GMA. Kaya’t dapat lang na magproklama na ng top 10 man lang sa Senado. Konsuelo na nga lang, naging bato pa.

Pinay sa tuktok ng mundo. Sa sukat na 29,028 feet, ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok o bagay sa buong mundo (Nasa 9,691 feet ang Mt. Apo, pinakamataas sa Pilipinas). Dahil dito’y itinuring na itong pinakadakilang pagsubok sa mga may nais patunayan. Hindi madali ang umakyat dito. Habang papalapit sa tuktok, nababawasan hanggang 1/3 ang hinihingang oxygen; bumababa sa below zero ang lamig; tumatarik at dumudulas ang dadaanan. Hindi kagulat gulat na mahigit 200 katao nang namatay dito. Ngayon naabot na ang tuktok ng Everest ng Pinay! Congratulations kina Noelle Wenceslao, Carina Dayondon at Janet Belarmino. Hindi lamang unang Pilipina sa Mt. Everest – pero unang mga babaeng taga South East Asia.

Sa ibang larangan, nagdala rin ng karangalan sa bansa ang ating Bb. Pilipinas-Universe na si Anna Theresa Licaros. Hindi nagwagi sa timpalak ngunit nakuha naman ang pinakaaasam na special prize – ang Miss Photogenic. Hindi lang simpleng pagandahan ang kategoryang ito —nagpapahiwatig ng mahusay na pagdadala ng sarili kaya bukod tanging napansin sa pagitan ng kapwa naggagan­ dahang mga babae. Pinay, Angat ka!

vuukle comment

ANNA THERESA LICAROS

CARINA DAYONDON

EPIFANIO DE

JANET BELARMINO

MISS PHOTOGENIC

MT. APO

MT. EVEREST

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with