^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Buwagin na ang PCGG

-
ISA sa magandang magagawa ng pamahalaan para makatipid ay ang buwagin na ang Presidential Commission on Good Government (PCGG). Pinalalamon ng taumbayan ang mga commissioners ng PCGG subalit walang maibalik na buti. Pagkaraan nang 20 taon mula nang maitatag ang PCGG, konsumisyon lamang ang nakuha rito. Mayroon bang napakinabang na masasabing nakinabang ang taumbayan sa commission na ito? Wala.

Ang tanging nakinabang ay ang mga commissioners. Nalunod sila sa luho dahil sa malaking sahod na ibinibigay sa kanila ng gobyerno. Habang malalaki ang kanilang kinikita, marami namang Pilipino ang sagad na sa hirap at nalilipasan ng gutom. At habang marami ang nangangarap na makakuha ng biyaya sa ill-gotten wealth ni dating President Marcos at kanyang cronies, walang ginagawa ang PCGG at may commissioner pang nakikipagsayaw sa biyuda ni Marcos. Kung may makukuha man sa "nakaw na yaman" ng mga Marcoses na nasa Swiss Banks, hindi ang PCGG ang may effort noon. Wala silang ginawa para madaling makuha ang mga nakaw na yaman.

Halos lahat ng mga kasong isinampa laban kay dating First Lady Imelda Marcos ay nadismissed na lahat. Ganyan kagagaling ang mga PCGG lawyers. May isang kaso si Imelda na natalo siya pero hanggang ngayon ay hindi pa naipatitikim sa kanya ang lasa ng parusa. Hindi gumagalaw ang PCGG at tila balewala. At ang masaklap, sa kabila na may kaso si Imelda, napapayagan pa itong magtungo sa ibang bansa. At bukod diyan, maaari pang makatakbo sa eleksiyon. Ano ang masasabi ng PCGG sa nangyayaring ito? Ang kanilang binabantayang mga nakaw na yaman ay hindi na malaman kung nasaan.

Buwagin ang PCGG! Iyan ang pinakamabuting magagawa ng kasalukuyang gobyerno. Wala na rin namang nahihita sa mga commissioners at naaakusahang nakikipagkutsaba sa mga nagnakaw sa bayan. Ano pa ang silbi nila ngayon?

Kaysa magkagulo ang mga Senador sa pagpapaaresto sa mga PCGG commissioners ang mas maganda’y pag-isipan na lamang nila kung paano ito bubuwagin. Tama na ang 20 taong nasayang. Hindi na dapat dagdagan pa ang pamamalagi ng mga commissioners na ang layunin ay mangumisyon at naghahatid ng konsumisyon sa bansang ito. Buwagin na sila para matahimik ang bansa at nang makatipid.

vuukle comment

ANO

BUWAGIN

FIRST LADY IMELDA MARCOS

GOOD GOVERNMENT

IMELDA

PCGG

PRESIDENT MARCOS

PRESIDENTIAL COMMISSION

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with