^

PSN Opinyon

Uminom nang maraming tubig

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAHALAGA ang tubig sa katawan. Ito ay pampalinis ng dugo at tinatanggal ang toxins sa katawan. Sa mga may sakit sa bato, lubhang mahalaga ang pag-inom ng tubig. Dapat ay dalawa hanggang tatlong litro ng tubig ang inumin araw-araw.

Sinabi ni Dr. Rene Mendoza, isang urologist na importanteng uminom nang maraming tubig lalo ang mga may kidney problems. Ipinapayo niya ang pagkain ng balance diet at bawasan ang pagkain ng sobrang maprotina gaya ng mani, chicharon at iba pang lamang-loob gayundin ang iba pang pagkain na isinasawsaw sa patis na sobrang maalat at mamantika.

Ipinayo ni Dr. Mendoza na ang nilagang dahon ng sambong at banaba ay mabuting inumin. Nagpapabuti umano ito sa pag-ihi pero kailangan pa ring ma-ultrasound para matiyak na hindi lumalaki ang kidney stones. Kapag lumala ang kidney stones, umaabot ito sa 5-to-6 centimeters ang laki. Sabi ni Dr. Mendoza na ang kulay ng ihi ay nagbabago lalo na kapag may iba’t ibang gamot na iniinom kaya dapat na maraming tubig din ang inumin para maging malinis ang ihi. Ipinapayo niya na magpakuha ng urine test at huwag hintaying makaramdam ng mas grabeng sakit na nararanasan kapag umiihi at lalo na kapag ang ihi ay may kahalo nang dugo.

vuukle comment

DAPAT

DR. MENDOZA

DR. RENE MENDOZA

IPINAPAYO

IPINAYO

KAPAG

NAGPAPABUTI

SABI

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with