^

PSN Opinyon

Huwag tayong paakit

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Marami sa ating mamamayan ngayon

Ay nagpapadala sa masamang layon;

D’yan sa Makati laging nagtitipon

Mga kababayang baluktot ang misyon!

Baluktot ang misyon dahil ang hangarin

Itong buong bansa ay gustong lumpuhin;

Yaong nakatindig na gobyerno natin

Gusto ay ibagsak -— ang baya’y wasakin!

Palaging may rally na nakasisira

Sa ekonomiya nitong ating bansa;

May mga lider pang sa ganito’y tuwa

Pagka’t pansarili ang layuni’t nasa!

At maraming lider diyan sa Makati

Na nangunguna pa kapagka may rally;

Sana’y maintindihang sa masamang gawi

Mga negosyante’y hindi mapakali!

Hindi mapalagay at gusto’y umalis

Ng mga investor na laging affected;

Sana naman sana – mga anak-pawis

Huwag kayong makinig sa lider-kamatis!

Kung tayo’y sasama sa rally o demo

Sa tamang layunin -— tapat at matino;

Huwag tayong paakit sa sulsol at tukso

Ng mga mapera’t lider na demonyo!

Lider lamang sila dahil sa ang misyon -—

Maging matagumpay kanilang ambisyon;

Nais pamunuan itong buong nasyon

At tayo’y magdusa hanggang sa mabaon!

vuukle comment

BALUKTOT

HUWAG

ITONG

LIDER

MAKATI

MARAMI

PAGKA

PALAGING

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with