Bro. Eddie umaani ng suporta
- Al G. Pedroche () - March 13, 2004 - 12:00am
TALAGANG hindi mapigilan ang pag-ani ng suporta ni Bro. Eddie Villanueva kaugnay ng kanyang paghirit sa panguluhan. Kamakailan ay nabuo ang isang malaking organisasyon ng mga kababaihan na Bangon Kababaihan sa pangunguna ng dating ABS-CBN anchorwoman Kata Inocencio, para itaguyod ang kandidatura ni Bro Eddie.

Hindi ito katakataka. Sa bawat forum na dinaluhan ni Bro. Eddie, naipakita niya ang kanyang kuwalipikasyon. Matalino niyang nasagot ang mga katanungang ibinato sa kanya lalu na sa harap ng mga negosyante. Nakita ng mga negosyante na may nalalaman si Bro. Eddie sa ekonomiya at kung paano ito mapapalakas.

Kakaiba ang estilo ng pangangampanya ni Bro. Eddie. Walang magarbong motorcade, walang stage shows kundi puro open forum sa harap ng iba’t ibang sektor o kaya’y mga prayer rallies. Kung may entertainment aspect man ang kanyang mga rally paminsan-minsan, ito’y dahil sa boluntaryong pagsama sa kanya ng mga Christian performers tulad nina Gary Valenciano, Donita Rose at iba pa. That is what sets Bro. Eddie a breed apart from other traditional politicians.

Matapos ang kanyang matagumpay na grand rally sa Luneta na dinaluhan ng tinatayang 3 milyong katao, isa na namang malaking rally ang inaasahang magaganap sa Cebu sa Marso 14. Ito raw ang inaasahang magiging pinakamalaking campaign rally sa kabisayaan.

Maaaring hindi kasing-popular ni Fernando Poe, Jr. si Bro. Eddie sa tinatawag na secular world, ngunit naniniwala akong sa tindi nang hirap na dinanas ng bawat Pilipino, ito’y mas matalino na ngayon. Hindi patatangay sa popularidad sa pagpili ng isang karapat-dapat na lider na mamumuno sa ating bansa.

At iyan ay napatunayan sa isinagawang radio survey ng DZRH na doo’y nanguna si Bro. Eddie sa lahat ng kanyang mga katunggali, kasama na si Presidente Arroyo.

BANGON KABABAIHAN BRO BRO EDDIE DONITA ROSE EDDIE EDDIE VILLANUEVA FERNANDO POE GARY VALENCIANO KATA INOCENCIO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with