^

PSN Opinyon

"Konting hinahon,mga kaibigan...

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
HINDI PA RIN NAGLALABAS NG DESISYON ANG KORTE SUPREMA, TUNGKOL SA CITIZENSHIP NI FERNANDO POE, JR., MAY MGA PAHAYAG NA LUMALABAS NA ANG MGA SUPPORTERS DIUMANO "DA KING" AY GAGAWA NG MGA KILOS PROTESTA PA NA DESTABILIZE ANG MGA ATING GOBIERNO. ITO AY AYON SA MALACAÑANG. DINAGDAG PA NA NG MGA MIEMBRO NG ATING LAW ENFORCEMENT AGENCIES NA MERON DAW NAHULING TATLONG MIEMBRO NG ARMED FORCES OF THE PHIIPPINES NA KASAMA SA PLANONG ITO NA KANILANG BINANSAGANG "OPLAN BAHAGHARI."

Sa isang breaking news, naglabas ng ulat ang Korte Suprema na hindi pa rin sila makapaglalabas ng desisyon tungkol sa usapin, na sa aking palagay ay mas lalong nagpapainit sa isyung ito.

Handa raw ang Philippine National Police sakaling lumabas ang desisyon na dini-disqualify si FPJ upang harapin ang mga balik ng mga FPJ supporters.

Sariwa pa sa ating isipan ang nangyari kay Sen Panfilo Lacson kung saan umugong ang balita na huhulihin si Sen. Ping para sa Kuratong Baleleng Case. Nagmeeting na rin ang iba’t ibang mga law enforcement agencies kung ano ang plano at paano aarestuhin si Sen. Ping. Nagulat na lamang ang lahat ng lumabas ang desisyon ng Korte Suprema na hindi naglabas ng warrant-of-arrest at sa bandang huli, nadismiss ang kaso laban sa inakusahang senador.

Ganito rin ang maaring mangyari sa kaso ni FPJ. Hindi pa nga dinidisqualify si FPJ, handa na raw ang mga miembro ng ating PNP, AFP at iba pang law enforcement agency. Sa isang banda, hindi rin maganda ang mga pahayag na kung sakaling madidisqualify si FPJ, maglulunsad ng malawakang kilos protesta laban sa pamahalaan.

Magmula nang pumasok ang 2004, wala nang laman ang utak ng ating mga mambabatas, mga halal na opisyal ng ating bayan kundi ang pamomolitika.

Sa halip na tugunan ang kani-kanilang trabaho, mga pangangampanya ang kanilang inaatupag. Paano na ang ating bayan.

Hilong-hilo na ang taong bayan. Meron pahayag na lumabas na si FPJ daw ay rerespetuhin ang desisyon ng pinakamataas na hukuman sa ating bayan.

Subalit marami rin tayong nababasa na ikinakabit kay FPJ na pahayag na tutuloy pa rin siya sa pangangampanya at sa pagtakbo sa May 10, 2004 elections. Alin ba ang totoo dito?

Sa isyu naman nitong kay Franklin Cabaluna, na nakasama ko ng mahabang panahon nung ako’y nagsusulat pa sa People’s Tonight at People’s Journal, nung mga kapanahunan (1992) ng mga bigating pangalan gaya ng mga yumaong sina Fred Marquez (na aking pinagkaka-utangan ng loob), Tony Mortel, Danny Hernandez, nadinig ko na ang balitang ito.

Para kay Franklin, naaawa ako sa iyo. Bakit, dahil lumabas na rin lang naman, hindi mo pa binuo ang storya mo. Ilang beses mong paulit-ulit na ikinuwento mo sa amin yan at alam mo na hindi ang acting ni FPJ ang iyong binabatikos. Dahil si FPJ, kayo lang sa kanya na batikusin mo ang kanyang acting subalit pagdating sa mga personal na bagay, yun ang ikinagagalit niya. Magpakatotoo ka Franklin at sabihin mo ang dating mong salaysay!

Ang timing din ng iyong paglantad, ngayon merong napipintong Presidential Election ay nagbibigay bahid sa iyong tunay na hangarin kung bakit matapos lumampas ang isang dekada, naglakas loob kang magsalita.

Ayo kay Franklin, "para malaman raw ng mga taong bayan ang klase ng pagkatao ni FPJ na maaring maging Presidente sa 2004."

Si Frankling Cabaluna, mula sa pagiging entertainment writer at manager ng ilan mga sexy stars ay naging Entertainment Editor ng People’s Tonight. Malaki ang naging kontribusyon niya sa pagiging number one ng aming pahayagan. Pagkatapos nuon ay hinawakan ni Franklin ang mga banner stories, o Front Page Headline. Ngayon naman, makalipas ang maraming taon, siya ang nasa headline. Hindi natin talaga malalaman ang mga mangyayari sa hinaharap. Dapat sana, binaon mo na sa limot yan, dahil alam mo rin na maski anong paninira kay FPJ, kahit na sabihin na natin ito ay totoo, ang tingin sa kanya ng mga tao ay DEMIGOD. Isang idolo na mas lalo mong apihin mas lalo siya lumalakas. Mas lalo mong bugbugin o pahirapan, babalik at babalik yan upang talunin niya ang lahat ng kanyang kalaban. Sa Pelikula mo makikita yan.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA "CALVENTO FILES" 7788442.

vuukle comment

ATING

DANNY HERNANDEZ

ENTERTAINMENT EDITOR

FPJ

FRANKLIN CABALUNA

KORTE SUPREMA

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with