^

PSN Opinyon

Bagong Taon - bagong pagsisikap, bagong buhay

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HARINAWANG nasa mabuti kayong kalagayan sa oras na binabasa ninyo ang kolum na ito, ang unang araw ng bagong taon ng 2004. Sana nga ay buong-buo pa ang inyong katawan na walang bawas ang mga daliri sanhi ng pagpapaputok ng ipinagbabawal na malalakas na fireworks. Sa mga nasaktan, sorry na lang sapagkat gago sila. Kasi, alam naman nilang delikado, paputok pa rin ang inasikaso.

Ako’y naniniwala pa rin sa panukalang dapat na magkaroon ng nararapat na mga fireworks area kung saan lamang makapagpapaputok tuwing sumasapit ang bagong taon. Ganito ang ginagawa nila sa US at Europe kapag ipinagdiriwang nila hindi lamang ang bagong taon kundi pati na mahahalagang selebrasyon na katulad ng Memorial Day sa US. Hindi na dapat pang ipagpaliban na isakatuparan ang panukalang ito.

Sa araw na ito ng pagsisimula ng 2004, marami ang nag-aalumpihit sapagkat wala silang kasiruguhan kung ano ang magaganap sa kanilang buhay at sa ating bayan sa ma darating na araw ng bagong taong ito. Kunsabagay, sa ngayon pa lamang, lumalakas na ang fireworks ng pulitika. Magbabago ang liderato ng ating bayan? Si GMA pa rin ba ang magiging pangulo o may bago na? May bago bang mga komedyante at mga taong maninira lamang ng silya sa Senado at Kongreso? May mga bago bang mangungurakot at pangongotong lamang ang aatupagin?

Marami ang nagsasabi na ang kalagayan ng ating buhay at ng ating bayan ay kagagawan na rin nating mga mamamayan. Tayo ang mga nagluluklok sa mga pinuno ng ating pamahalaan mula sa pagka-pangulo hanggang sa mga konsehal at pati na mga opisyal ng barangay. Kung marami pa ring mga busabos sa ating lipunan at palpak ang takbo ng ating bayan, tayo ang dapat na sisihin.

Sa bagong taon na ito ng 2004, gawing resolusyon ang pagbabago ng ating mga pag-iisip at damdamin lalo na ang pagkita ng salapi sa hindi matuwid, maka-tao at maka-Diyos na pamamaraan. Mamuhay sa sariling sikap at pagtitiyaga at huwag umasa sa kasipagan ng iba. Sana naman ay maging silbi para sa atin ang nakaraang taon upang sa ganoon ay magkaroon tayo ng maligaya, matahimik at masaganang bagong taon.

vuukle comment

ATING

BAGONG

DIYOS

GANITO

KASI

KONGRESO

KUNSABAGAY

MEMORIAL DAY

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with