^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Isyu sa 'ninakaw na presidency'

-
NATULIRO ang mamamayan noong May 1, 2001 nang lumusob sa Malacañang ang libong supporters ni dating President Joseph Estrada. Ibig nilang ibalik sa puwesto si Estrada. Nakipagsagupa sila sa mga riot police na nagresulta sa pagkamatay ng apat katao. Marami ang nasirang ari-arian dahil sa panununog at pagwasak ng mga Erap loyalists. Mga pulitikong kaalyado ni Estrada ang sinasabing namuno sa paglusob.

Gustong ibalik ang napatalsik na si Estrada sa puwesto. Napatalsik siya dahil sa kawing-kawing na corruption na may kaugnayan sa jueteng. Na-impeached at nagkaroon ng trial. Nagkaroon ng people power matapos manalo ang "no" vote para buksan ang Jose Velarde account. Tuluyang naguho ang trono ni Estrada at nilisan ang Malacañang noong January 20, 2001. Iniluklok naman si Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidente. Nakakulong si Estrada sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Pero hindi pa pala tapos ang laban na sinimulan noong May 2001 at ngayon ay parang multong bumabangon. "Ninakaw" ang presidency kay Estrada at kailangang maibalik iyon. Ang buod ng "ninakaw na presidency" ay ipinamudmod ni Estrada sa press pagkaraang hilingin sa Kongreso na i-impeached ang walong Supreme Court Justices na nagratipika sa kanyang pagkakapatalsik sa Malacañang noong January 2001. Sa letter ni Estrada, sinabi niyang hindi lamang siya ang ninakawan ng karapatan kundi pati ang taumbayan. Si dating Senador Rene Saguisag, abogado ni Estrada, ang nag-file ng empeachment case laban sa walong hukom ng Korte Suprema. Nilabag umano ng mga hukom ang judicial rule nang i-swore in bilang si Mrs. Arroyo.

Nililiko sa tunay na isyu ang nangyayari sa biglang paghirit ni Estrada na tulungan siya ng taumbayan na maibalik siyang presidente. Ibig bang sabihin, ang may dalawang taon ni Mrs. Arroyo sa puwesto ay illegal kaya hinihiling na i-impeached ang mga hukom na nagpanumpa sa kanya sa tungkulin? Kung illegal ang administrasyong ito bakit naghangad pang tumakbo si dating First Lady Luisa Ejercito Estrada sa Senado at nanalo pa nga. Ibig sabihin kinikilala niya ang pagiging gobyerno ng Arroyo Administration.

Mas makabubuti kung pagtuunan na lamang ni Estrada ay ang kanyang kaso at sikaping linisin ito. Ngayon siya humarap sa Korte at patunayang wala siyang kasalanan sa mga ibinintang sa kanya. Huwag na sanang guluhin ang bansa.

ARROYO ADMINISTRATION

ESTRADA

FIRST LADY LUISA EJERCITO ESTRADA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IBIG

JOSE VELARDE

KORTE SUPREMA

MALACA

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with