^

PSN Opinyon

Ipinakilala: Iskul Bukol na caregiving school

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAGBIBIGAY ng babala ang kolum na ito sa lahat ng mga kababayan natin na nagnanais maging caregiver sa ibang bansa.

Tandaan, hindi sapat ang pagiging lihetimo at lisensyado ng isang caregiving training center upang maging batayan na ligtas na kayo sa mga "malikhaing" caregiving schools.

Target ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO ang mga caregiving training centers na maari sa likod ng oportunidad na ito, nakaakmang ang mga oportunista’t mapagsamantala.

Papangalanan namin ngayon ang isa rito, ang DELA KRISTINE PROFESSIONAL SKILLS & DEV"T INC. Lisensiyado pa naman ng Technical Educational Skills & Development Authority (TESDA) bilang lihetimong caregiving school.

Pag-aari ito ng isang nagngangalang Marissa Batifora na siya ring presidente ng nabanggit na caregiving training center.

Nadiskubre ng aming pinagsanib na investigative team sa radyo at telebisyon ang istilo ng modus ng nasabing eskuwelahan sa tulong ng mga nabiktima nito, mismong kanilang mga estudyante.

Matapos ang aming dalawang linggong surveillance sa DELA KRISTINE TRAINING CENTER, agad na naming tinungo ang tanggapan ng TESDA. Dito namin napag-alaman, walang "pangil" ang TESDA kung panloloko na ng eskuwelahan ang pag-uusapan.

Trabaho lang ng TESDA i-monitor lang kung sumusunod sa pamantayan ang mga accredited nilang paaralan bilang caregiver. Pero nung makita ng TESDA kamakailan na tinatrabaho na ng aming grupo ang DELA KRISTINE, biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Nagawa nilang magpakita ng gilas sa amin. Nagpalabas sila ng utos sa pamamagitan ng Cease and Desist Order(CDO) sa DELA KRISTINE, na nagbabawal tumanggap ng enrollees at magturo bilang caregiving school.

Base sa aming imbestigasyon, may nauna nang kasong nakasampa sa hukuman laban sa DELA KRISTINE TRAINING CENTER na wala pang isang taon na nag-ooperate bilang caregiving school.

Walang kadala-dala itong DELA KRISTINE. Aber, tingnan natin kung natuto na sila ngayon. Malas nilang nakatagpo ang Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at ang BITAG, dahil hindi kami marunong magsawa balik-balikan yung mga dorobong hindi natututo.

Maituturing "iskul bukol" ang DELA KRISTINE. Sila ang kauna-unahang caregiving school na nasampolan ng TESDA. Ipinatigil ang kanilang operasyon dahil sa masigasig na pagsisiyasat ng aming grupo, ang BITAG.

Nitong Martes, ika-3 ng Hunyo, sabay-sabay nag-resign ang ilan sa mga empleyado ng DELA KRISTINE at lumapit na rin sa BITAG upang patotohanan ang mga reklamo ng mga estudyanteng kanilang "hinuthutan" bukod pa sa mga katiwalian sa loob ng eskuwelahan.

Nagsalita ang mga ito sa harap ng aming kamera. Sumama sila sa BITAG at sa mga nagrereklamong estudyante sa tanggapan ng NBI-NCR at sabay-sabay sila nagbigay ng salaysay at nagsampa ng reklamo laban sa may-ari ng eskuwelahan.

Maraming nakitang kaso ang NBI-NCR sa pamumuno ni Atty. Ed Arugay. Ayon sa Supervising Agent na si Ross Bautista, kasong forgery, falsification, fraud, illegal collection at iba pa laban sa nagmamay-ari ng DELA KRISTINE.

Hindi dito natatapos ang aming trabaho. Tututukan ng aming investigative team ang nasabing kaso nang huwag pamarisan ng ibang caregiving training centers ang gawain ng DELA KRISTINE.

Panawagan namin sa lahat ng mga estudyante ng caregiving schools sa bansa, kung may pagdududa kayo sa inyong napasukang caregiving center, karapatan n’yong busisiin ang lahat ng bagay na dapat n’yong malaman. Lalo na’t pag pera n’yo na ang nakataya.

Huwag mag-atubili lumapit agad sa amin. Hangad na naming iiwas kayo sa mga panloloko ng mga oportunista’t mapagsamantala na mga caregiving training centers.

Panoorin ngayong Sabado ang BITAG sa ABC-5 na may pamagat na "Iskul Bukol na Caregiving Centers". Ipagbigay alam sa inyong mga kamag-anakan, kaibigan at mga kabaranggay nang makaiwas sila sa BITAG ng panloloko.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310 / 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

vuukle comment

AMING

BITAG

CAREGIVING

CAREGIVING CENTERS

CEASE AND DESIST ORDER

CENTER

DELA

KRISTINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with