^

PSN Opinyon

Trader natangayan ng P100,000 sa coffe shop ng five star hotel

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang natangayan ng P100,000 cash ang isang businessman sa loob ng isang five star hotel?

Ayon sa aking bubuwit, 14 days na lang at Pasko na.

Alam n’yo bang maski sa loob ng mga malalaking hotel ay hindi na rin pala safe ang mga customer sa mga magnanakaw?

Ayon sa aking bubuwit, noong December 7, 2001 dakong 6:30 p.m. ay naging biktima ang isang businessman mula sa probinsiya.

Mantakin ninyo, natangay ang P100,000 ng businessman.

Ito ay nangyari sa loob mismo ng coffee shop ng Nikko Dusit Hotel sa Pasay Road, Makati City.

Kawawa naman ’yung businessman!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang modus operandi ng mga suspect ay matagal nang ginagawa sa iba’t ibang commercial establishment sa Makati City.

Naging biktima na rin dito ang isa kong kaibigan. Siya ay nasalisihan habang nagka-kape sa Figarro Coffee sa Glorietta. Habang nakikipagtinginan siya sa isang magandang chiching meron namang kasabwat na kumuha sa kanyang cell phone na nakapatong sa mesa.
* * *
Ganito naman ang modus operandi kung paano natangayan ng P100,000 ang businessman sa Dusit Hotel.

Ayon sa aking bubuwit, habang nagka-kape ang magkaibigang businessman, merong pumaradang kotse sa driveway at yung isang sakay ay pumasok sa coffee shop. Pagpasok sa loob ay kunwaring may kinakausap sa kanyang cell phone at parang may hinahanap na kausap sa loob.

At habang nasa loob ’yung isang suspect, ang kasabwat naman ay nasa labas at lumapit sa salamin at kunwari ay nagsesenyasan silang dalawa.

Sila ay nagnanakaw ng eksena.

Dahil nakatingin ang dalawang businessman doon sa lalaki sa labas, sila naman ngayon ang kunwaring kinakausap.

Nagulat itong dalawa kung ano ang sinasabi ng lalaki sa labas. Nagtataka rin sila kung kakilala nila ito.

Pero habang sila ay nililibang ng suspect sa labas, wala silang kamalay-malay ay tinangay na pala ng suspect sa loob ng coffee shop ang wallet na nakapatong sa kanilang mesa.

Natangay Col. Jovy Gutierrez ang P100,000 cash, credit cards, lisensiya ng mga ID cards ng kawawang businessman.

Nang magreklamo ang businessman sa mga guwardiya, sinabi ng mga ito na hindi lang siya ang nabiktima ng ganitong modus operandi sa loob ng naturang hotel.

Alam na pala eh hindi pa sila naging alerto. Mukhang tutulog-tulog ang mga ito sa pansitan!

Ang businessman na natangayan ng P100,000 mula sa Salisi Gang sa loob mismo ng Dusit Hotel ay walang iba kundi si…

Ayaw pabanggit ng pangalan. Siya ay kaibigan ko mula sa Mindanao.

vuukle comment

ALAM

AYON

BUSINESSMAN

DUSIT HOTEL

FIGARRO COFFEE

JOVY GUTIERREZ

LOOB

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with