^

PSN Opinyon

Vice Mayor Lacuna naganyak ka ba sa 'offer' ni SPO1 De Jesus

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Hindi talaga tumitigil itong si SPO1 Rene de Jesus sa kanyang ilegal na gawain hanggang sa mapahiya niya si Chief Supt. Nick Pasinos, ang bagong promote na hepe ng Western Police District (WPD).

Mukhang masama ang loob ni De Jesus sa biglaang pagkasibak sa kanya ni Pasinos bilang opisyal na ‘‘kolektor’’ ng intelihensiya sa mga pasugalan at putahan kaya’t gumagawa siya ng paraan para makabawi.

May mga tao kaya sa likod nitong pagmamatigas ni De Jesus kayat hindi siya natatakot kay Pasinos? May role kaya rito ang kaibigan kong si Wally, na hindi naman kalbo subalit palaging naka-sombrero? Ayon sa aking espiya, itong si Wally alyas ‘‘national,’’ De Jesus at SPO3 Danny Sarmiento, ang kolektor ng intelligence ng NCRPO ay palaging nagkikita sa bahay-aliwan ng Classmate at LaGenda sa Quezon City. Palagi silang nagpaplano, ayon sa aking espiya.

Matapos niyang gisahin ang Regional Mobile Group (RMG) at ang R-2, ito na naman si De Jesus at ang bataan niyang si SPO1 Rolly Bañez na nag-iikot sa mga pasugalan at putahan sa Kamaynilaan at ang gamit na pangalan ay ang kay Vice Mayor Danny Lacuna. Kamakailan lang, isinabit ni Lacuna itong si De Jesus sa expose niya sa illegal gambling, pero bakit nagkaganito? At bakit pumayag si Vice Mayor Lacuna na mawala ang tiwala ng taga-Maynila sa kanya dahil lang sa pera? Naganyak ka ba sa sobrang laki ng ‘‘offer’’ sa ’yo ni De Jesus ha, Vice Mayor?

Pero may problema itong si De Jesus dahil hindi lahat ng gambling lords ay gulat na gulat kay Vice Mayor Lacuna. Kabilang na rito ang bookies king na si Boy Abang na ni isang sentimo ay ayaw mag-abot sa kanya.

Maging ang kaalyado ni De Jesus na si SPO1 Ver Manalang ng San Nicolas Block ay inirereklamo na rin ng mga residente ng Binondo. Ginigisa naman ni Manalang ang pangalan ng kaibigan kong si Supt. Jojo de Guzman, hepe ng WPD Station II.

Habang namamayagpag itong si De Jesus, ganoon na rin itong si Arnold Sandoval ng District Police Intelligence Unit (DPIU). Mukhang itong si Sandoval ang pumalit kay PO3 Val Samia na nasa kangkungan na sa ngayon. Chief Supt. Pasinos sibakin mo na rin itong si Sandoval para umusad ng diretso itong ‘‘no take policy’’ mo. ‘Di kaya ito ‘‘moro-moro?’’

vuukle comment

ARNOLD SANDOVAL

BOY ABANG

CHIEF SUPT

DANNY SARMIENTO

DE JESUS

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

ITONG

JESUS

PASINOS

VICE MAYOR LACUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with