^

Metro

NCAP ticket na inisyu mula Nobyembre 2-7 kinansela ng MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
NCAP ticket na inisyu mula Nobyembre 2-7 kinansela ng MMDA
Sakop ng pagkansela ang mga pribadong sasakyan na nahuling dumaan sa busway sa pagitan ng Nepa Q-Mart at Boni Avenue sa nasabing panahon.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Awtomatikong kakanselahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga ticket ng mga motorista na nahuli sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) dahil sa pagdaan sa isang bahagi ng EDSA Busway mula Nobyembre 2 hanggang Nobyembre 7.

Sakop ng pagkansela ang mga pribadong sasakyan na nahuling dumaan sa busway sa pagitan ng Nepa Q-Mart at Boni Avenue sa nasabing panahon.

Sa post sa social media ng MMDA, nakasaad na ang mga motorista na nakatanggap ng Notice of Violation ay puwede nang i-contest ang ticket, at awtomatiko na itong kakanselahin ng ahensiya.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang pa­yagan ang mga pribadong sasakyan na dumaan sa nasabing bahagi ng busway simula Nov. 2, para bigyang-daan ang road asphalting works sa ilalim ng EDSA Rehabilitation Phase 2 Project.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang roadworks sa kahabaan ng EDSA sa pagitan ng Nepa Q-Mart at Boni Avenue bilang bahagi ng ikalawang phase ng EDSA Rehabilitation Project.

Pansamantalang binuksan sa mga priba­dong motorista ang southbound lanes 1 hanggang 4 sa apektadong bahagi upang mabawasan ang abala habang ginagawa ang rehabilitasyon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with