^

Probinsiya

Trike sinalpok ng pickup: Lola dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Trike sinalpok ng pickup: Lola dedo
Kinilala ang biktima na si Carolina Wagan, nagtamo ng matinding sugat sa katawan partikular na sa bahagi ng ulo nito na siyang agarang kumitil sa buhay ng biktima.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 60-anyos na matandang babae makaraang aksidenteng mabangga ng isang rumaragasang pickup truck ang minamaneho nitong tricyle sa highway ng Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Carolina Wagan, nagtamo ng matinding sugat sa katawan partikular na sa bahagi ng ulo nito na siyang agarang kumitil sa buhay ng biktima.

Sa ulat ng Balanga City Police, nangyari ang sakuna sa bahagi ng highway ng lungsod alas-9 ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, minamaneho ni Wagan ang kanyang tricycle na pakaliwa na sana sa bahagi ng Brgy. Central nang biglang salpukin ito ng pickup truck na sobrang bilis ang takbo.

Sa tindi ng pagkakabangga, tumaob ang tricyle na minamaneho ng matanda na malubhang nasugatan sa insidente.

Sa halip na tulungan ang biktima, pinaharurot ng driver ang kanyang sasakyan upang takasan ang krimen.

Inaalam ng pulisya Patuloy ang pagkaka­kilanlan ng driver ng pickup truck na nakasagasa sa matanda.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with