Abusadong pulis, sisibakin sa serbisyo – NAPOLCOM

MANILA, Philippines — Hinimok ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang mga babaeng biktima ng karahasan sa tahanan, lalo na ang mga inaabuso ng kanilang asawa o kinakasamang pulis, na huwag matakot magsumbong upang mapanagot ang mga salarin.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, nais ng komisyon na mahikayat ang mas maraming biktima na magsalita at magsampa ng reklamo laban sa mga umaabusong pulis, kasabay ng pagsisimula ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.
May temang “UNiTEd for a VAW-free Philippines” ang kampanya na naglalayong palakasin ang pagkilos ng publiko upang tuluyang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan.
Sinabi ni Calinisan na maaaring humingi ng tulong ang mga biktima sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Philippine National Police (PNP) na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa. Tumatanggap din aniya ang NAPOLCOM ng mga reklamo laban sa mga pulis na sangkot sa pang-aabuso.
- Latest




















