^

PSN Palaro

PJ Simon nag-collapse sa isang laro, patay!

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
PJ Simon nag-collapse sa isang laro, patay!
Si PJ Simon sa isang PBA championship game ng Magnolia.
PBA photo

MANILA, Philippines — Pumanaw ang dating PBA legend na si Peter June “PJ” Simon noong Biyernes ng gabi, Nob­yembre 20, sa edad na 46.

Nakaranas si Simon ng hirap sa paghinga at biglang bumagsak habang naglalaro sa isang lokal na 40-and-above basketball league sa Davao City.

Iniulat na atake sa puso (heart attack) ang naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

Agad siyang dinala ng kanyang mga kasamahan sa isang ambulansya at isinugod sa San Pedro Hospital sa Davao City, ngunit binawian din ng
buhay.

Nasa isang punerarya na sa Davao City ang kanyang mga labi. Wala pang opisyal na anunsyo ang pamilya Simon tungkol sa detalye ng kanyang burol o kung iuuwi siya sa kanyang hometown sa Makilala, North Cotabato.

Kilala bilang “The Sco­ring Apostle” at “Super Sub,” ginugol ni Simon ang kanyang buong 16-year PBA career sa prangkisa ng Purefoods/Magnolia. Nakapag-uwi siya ng walong PBA championships, kabilang ang makasaysayang Grand Slam noong 2013–2014.

Samantala, bumuhos ang pagpu­pu­gay mula sa Phi­lippine bas­ketball community para kay Simon matapos ang kanyang big­laang pag­pa­naw
kamakalawa ng gabi sa Davao City.

Nanguna sa pagbi­bigay ng tribute kay Simon ang PBA, Magnolia Hotshots na dati niyang koponan, mga dating coaches na sina Tim Cone at Chito Vic­tolero pati ang mga matalik niyang kaibigan at dating teammates na sina Marc Pingris at James Yap. “Nag-iisa lang ang isang Peter June Simon. We will remember every mo­ment, because you made each one unforgetta­ble.

To PJ’s family and loved ones, we’re holding you close in our hearts. Maraming salamat sa lahat, PJ,” pahayag ng Hotshots matapos ang big­laang pagkahimatay ni Simon sa isang liga sa Da­vao City. “Let us keep PJ in our pra­yers as we ask for the eternal repose of his soul. May God wrap his loved ones, friends, most spe­cial­ly his young family in strength, comfort, peace, and loving care during this difficult time. Rest in peace, PJ,” dagdag ng PBA. Tubong Makilala, Co­ta­bato, isa si Simon sa pi­­nakamaalamat na late-round draftees sa PBA ma­tapos umukit ng pangalan at kasaysayan bilang No. 43 pick noong 2001 draft.
 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with