Thunder binuhat ni SGA kontra Pelicans

OKLAHOMA CITY — Nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng 40 points at umarangkada ang Thunder sa fourth quarter para sa 126-120 pagresbak sa New Orleans Pelicans at ilista ang 2-1 record sa NBA Cup play.
Ang three-point play ni Gilgeous-Alexander sa huling 34.8 segundo ang nagbigay sa Oklahoma City (10-6) ng 124-116 abante matapos bumangon mula sa isang 16-point deficit sa third quarter.
Nagdagdag si rookie Aday Mara ng 22 points at 16 rebounds at may tig-18 markers sina Jared McCain at rookie Bennett Stirtz.
Bumira sina Zion Williamson at Jeremiah Fears ng tig-22 points sa panig ng New Orleans (5-12) na nahulog sa 0-3 marka sa NBA Cup play.
Kinuha ng Pelicans ang 64-56 halftime lead bago ito pinalobo sa 91-76 sa third quarter.
Isang 16-7 bomba ang inihulog ng Oklahoma City para makadikit sa 92-98 sa pagbubukas ng fourth period.
Mataposmakatabla sa 102-102 mula sa isang 24-foot shot ni McCain ay tuluyan na nilang inagaw ang 108-102 bentahe galing sa tirada ni Isaiah Hartenstein.
Sa iba pang laro, dinagit ng Atlanta Hawks ang Charlotte Hornets, 111-97; lusot ang Orlando Magic sa Brooklyn Nets, 113-111; sinunog ng Phoenix Suns ang Utah Jazz, 111-101; at wagi ang Lakers sa Sacramento Kings, 106-104.
- Latest




















