^

Metro

POGO hubs sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
POGO hubs sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO
Ito ang sinabi ni NCRPO Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil kadalasang ginagamit ang POGO sa iba’t ibang uri ng krimen.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bantay-sarado sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kalakhang Maynila sa paglulunsad ng “ReACT POGO”.

Ito ang sinabi ni NCRPO Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil kadalasang ginagamit ang POGO sa iba’t ibang uri ng krimen.

Ayon kay Nartatez, inilunsad ang programang “ReACT POGO” o “Repress Acts of Criminals” kung saan target ang mga POGO na nagbibigay awtorisasyon sa pulisya na suriin o inspeksyunin ang mga POGO hubs sa Metro Manila.

“Meron tayong program to look after this business entity. These are called POGOs before eto ngayon ay internet gaming licensed group o business… Ang trabaho ng pulis diyan is of course inspeksyunin”,  ani Nartatez.

Nag pahayag ng pagkabahala si Nartatez sa  mga isinasagawang Senate inquiry  sa pagkakasangkot ng  mga POGO sa kaso ng kidnapping, robbery extortion, may serious illegal detention at maging pagpatay.

Nakakalungkot lamang na nagagamit ang mga negosyo sa iligal kaya kinakailangan na ng pamahalaan at ng pulisya na makialam upang mapanatili ang pease and order.

Bilang NCRPO chief, sinabi ni Nartatez na hindi niya hahayaan na may pulis sa Metro Manila na masasangkot sa mga illegal na operasyon sa mga POGO.

Ito rin aniya ang dahilan ng pagkakatanggal ng chief of police nang  makitaan ng  iligal sa pagsalakay na isinagawa ng  PAOCC at CIDG.

Anang opisyal, katuwang ng PNP ang mga lokal na pamahalaan laban sa kriminilidad na maaaring maganap sa loob ng mga gusa­ling ito.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with