^

Metro

Paghihigpit sa visa requirements ng Chinese tourists, suportado ng BI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mas higpitan ang visa requirements ng mga turistang Chinese national.

Ayon kay Immgration spokesperson Dana Sandoval, makakatulong sa pambansang seguridad ang paghihigpit sa visa requirements ng mga turistang Tsino dahil sa maraming iligal na aktibidad ang naitla na kinasasangkutan ng mga ito sa bansa.

Paliwanag ni Sandoval sa isang panayam, kahit mahalaga ang paglago ng turismo para sa ekonomiya ng bansa, kailangang ikunsidera rin ang mga hakbang na mag-ingat para protektahan ang interes ng publiko.

“We also have to look into the national security issue, the safety of the country. Kung merong mga ilegal na ginagawa, I think it’s also important to have strict measures kung may nakikita na tayo na kakaibang nangyayari or mga activities that are probably ­inimical to national security or public interest,” aniya.

Reaksyon ito ni Sandoval sa pagpalag ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA)  na ang paghihigpit sa pagkuha ng visa sa Chinese nationals sa mga bumibisita sa Pilipinas ay nagdi-discourage umano sa mga dayuhan, sa halip na humikayat ng mga bisita para sa turismo ng bansa, at apektado ang mga negosyo.

Mahigpit aniya, ang ginagawang inspeksyon ng BI sa mga foreign tou­rists arrivals lalo na sa mga sangkot sa mga iligal na gawain.

Kabilang sa mga napaulat ang pagkaka­sangkot ng mga Chinese nationals ay ang human trafficking, prostitution, kidnapping, at fraud at may mga naiugnay sa iligal na pagtatrabaho sa Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO).

vuukle comment

DANA SANDOVAL

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with