^

Metro

31 lugar nagtala ng mataas na heat index – PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomincal Administration Services (PAGASA) na nasa 31 lugar sa bansa ang nagtala ng mataas na heat index, kahapon.

Ayon sa PAGASA, ang naturang mga lugar ay nakaranas ng mula 42°C hanggang  46°C na heat index .

Ang Laoag, Ilocos Norte at Aparri, Cagayan ang nagtala ng pinakamataas na heat index na 46 degree Celsius, sinundan ng 45 degree Celsius sa Roxas City, Capiz at Guiuan, Eastern Samar.

Nagtala naman ng 44 degree Celcius ang MMSU, Batac, Ilocos Norte,Puerto Princesa City, Palawan, Cuyo, Palawan,  Dumangas, Iloilo at Borongan, Eastern Samar.

Umabot naman sa 43 degrees Celsius ang naitala sa NAIA , Pasay City, Sinait, Ilocos Sur, Dagupan City, Pangasinan, Tuguegarao City, Cagayan, ISU, Echague, Isabela, Sangley Point, Cavite, San Jose, Occidental Mindoro, CBSAU-Pili, Camarines Sur, Iloilo City, Iloilo, Catarman, Northern Samar at Tacloban City, Leyte.

Umabot naman sa 42 degree Celsius ang heat index na pumalo sa ­Science Garden, Quezon City, Bacnotan, La ­Union, Ambulong, ­Tanauan, Batangas, Aborlan, Palawan, Daet, Camarines Norte, Legazpi City, Albay,  Virac (Synop), Ca­tanduanes, Masbate City, Masbate, Mambusao, Capiz, Zamboanga City, Zamboanga del Sur at Davao City, Davao del Sur

Ang Baguio City at Benguet State University, La Trinidad, Benguet ang patuloy na nagtala ng pinakamababang heat index  na pumalo sa  27 degree Celsius.

vuukle comment

PAG-ASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with