^

Metro

Driver na expired ang lisensiya, puwede nang mag-renew - LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Driver na expired ang lisensiya, puwede nang mag-renew - LTO
Ito ang anunsyo ni LTO Chief Vigor Mendoza dahil available na anya ang mga plastic card license sa mga LTO offices partikular sa Metro Manila.
Philsar.com / Irish Lising

Mula noong Abril hanggang agosto ng 2023

MANILA, Philippines — Maaari nang magtungo sa alinmang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga driver na na-expired ang lisensiya buhat Abril hanggang Agosto 2023 para makapag-renew na kanilang drivers license.

Ito ang anunsyo ni LTO Chief Vigor Mendoza dahil available na anya ang mga plastic card license sa mga LTO offices partikular sa Metro Manila.

Niliwanag ni Mendoza na ang mga driver ay dapat nang mag-renew at kunin ang kanilang  plastic license cards hanggang April 30 upang hindi magkaroon ng penalty .

“Yong mga na-expired last year ng April tsaka ‘yong mga nag-expired na po no’ng nakaraang taon ng Abril hanggang Agosto of last year, renew ‘yong kanilang lisensiya, at kunin ‘yong plastic card po nila, “sabi ni  Mendoza .

Anya nadeliver na sa LTO ang 1.6 million  plastic cards mula sa kabuuang  3.2 million kayat unti unti nang maaayos ang backlog sa mga dri­vers license na umaabot sa 4.1 million .

Niliwanag ni Mendoza na may takdang araw ang release ng license plastic cards  upang hindi dumagsa ang maraming tao na pipila sa LTO para dito.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with