JC, kinakarir ang pagiging ama!

Walang alinlangan na isa ngayon among the busiest ang actor na si JC Santos with four different movies na magkakasunod na palabas this December 2026.
Ipinagpapasalamat ng actor ang kanyang matagal na training background sa teatro bago siya nag-crossover sa telebisyon at pelikula.
Ang disiplina sa teatro ay bitbit niya hanggang telebisyon at pelikula kaya naman hindi siya nawawalan ng proyekto dahil sa kanyang ipinapakitang professionalism.
By nature ay mabait at matiyagang tao si JC kaya cool lamang siya kapag may ibang pasaway na artista na late dumarating sa set at hindi preparado sa kanilang script.
Bida si JC sa biopic movie ng isang redemptorist priest (ng Baclaran) na si Fr. Rudy Romano na in-abduct in broad daylight nung 1985 (panahon ng martial law) at magmula noon ay hindi na siya nakitang muli ng kanyang pamilya hanggang ngayon.
Ang Romano ay palabas ngayong Dec. 16 na susundan ng kanyang Metro Manila Film Festival movie na 2nd Miracle in Cell No. 7 na hango sa Korean hit movie na may kaparehong titulo sa darating na araw ng Pasko, Dec. 25.
May pelikula rin siya with Andrea Brillantes, ang Laya bukod pa sa isang pelikula sa Netflix.
Malayo na ang narating ni JC bilang actor magmula nang kanyang gawin ang kanyang kauna-unahang TV series on ABS-CBN, ang Till I Met You na pinagbidahan ng dating magkasintahang James Reid at Nadine Lustre. Ito’y nasundan ng kanyang six-month stint sa longest-running at top-rating action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Naging bahagi rin siya ng Walang Hanggang Paalam maging ang Iron Heart hanggang sa Someone, Someday.
Si JC ay nagmula sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW). Seaman ang kanyang amang si Edwin Santos habang OFW naman ang kanyang ina na si Elizabeth Gutierrez. Nagtrabaho rin si JC sa Universal Studios bilang actor-singer-dancer sa loob ng dalawang taon na sinundan ng dalawang taon din sa Hong Kong Disneyland.
Pagkatapos nito ay lumipad siya patungong New York para mag-aral at mag-auditiion na rin sa Broadway. By the time na nakapag-audition na siya sa Broadway ay agad din itong nagsara dahil sa hurricane. Kaya nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas para sumubok sa showbiz. Hindi naman siya nabigo dahil agad siyang nakapagtrabaho rito bilang actor at hindi na siya dumaan bilang extra.
Sa kabila ng pagiging busy ni JC sa kanyang acting and showbiz career, hindi nito ikinakaila na isa umano siyang hands-on dad sa kanilang seven-year-old daughter na si River na nasa grade school na.
Masaya rin siya sa kanyang buhay may asawa. Nagpapasalamat ang actor sa kanyang misis ni Shyleena Herrera na siya niyang katuwang sa buhay.
Aminado ang actor na kinarir umano niya ang pagiging hands-on father dahil lumaki sila ng kanyang younger sister na si Janine na nasa ibang bansa nga ang kanyang parents at nagtatrabaho.
Although nauunawaan niya ang mga magulang, gusto ni JC na present siya sa mahahalgang milestone ng kanyang anak.
Hands-on din umano ang kanyang misis na si Shyleena Herrera, na kaklase niya nung highschool na nambasted sa kanya. Pero after 15 years ay muling nagkrus ang kanilang landas at dito na sila nagkainlaban na nauwi sa kanilang pagpapakasal in September 2019.
Si JC ay tubong Pampanga pero meron silang bahay sa Alabang pero umuuwi pa rin sila sa Pampanga sa tuwing may libreng oras siya.
Full-time mother sa kanilang anak na si River ang misis niya laluna na kapag may trabaho siya.
- Latest
























