QCPD sinisiyasat viral video ng holdapan sa jeep
MANILA, Philippines – Sinisiyasat na ng Quezon City Police District (QCPD) ang viral video ng umanoy nangyaring holdapan sa isang pampasehrong jeep sa Novaliches sa lungsod.
Sa nag-viral na video, isang lalaki ang makikitang may hawak na patalim habang inuutusan ang dalawang babaeng pasahero na tanggalin ang kanilang suot na alahas. Hindi na nakita kung nakuha ang mga alahas ng mga biktima at kung paano nakatakas ang holdaper.
Batay sa video, makikita ang matinding takot ng mga biktima na nagsabing mula pa sa isang mall, ay nakatitig na sa kanila ang lalaki. Gayunman, sa kabila ng pagkatakot ay nagawa umano ng biktima na kunan ang ginagawang panghoholdap ng lalaki sa kanila.
Narinig din sa video na sinabi umano ng driver ng jeep na alam niya ang nangyayari mula sa kaniyang likuran kaya kinakabahan umano siya habang nagmamaneho.
Nanawagan naman ang pamunuan ng QCPD sa mga biktima na magtungo sa kanila para maghain ng pormal na reklamo para sa imbestigasyon.
- Latest

















