127 motorista, nahuli ng LTO sa drunk driving

MANILA, Philippines — Aabot sa 127 motorista ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) matapos magpositibo sa Alcohol Breath Analyzer (ABA) test o mapatunayang nagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak ngayong taon.
Ayon sa LTO, bahagi ito ng pinaigting na operasyon ng ahensya laban sa mga driver na lumalabag sa batas kontra drunk driving upang maiwasan ang mga aksidente at maprotektahan ang buhay ng mga gumagamit ng kalsada.
Tiniyak ni LTO Chief Markus Lacanilao na sinusunod ng mga tauhan ng ahensya ang mga itinakdang pamantayan at proseso sa pagsusuri at paghuli sa mga pinaghihinalaang nagmamaneho nang nakainom.
Binigyang-diin ni Lacanilao na hindi titigil ang kanilang operasyon at pagpapaalala sa mga motorista dahil pangunahing layunin ng ahensya na matiyak ang kaligtasan ng publiko.
- Latest















