Aktor, sinagad ang pambababae bago nagpatali!
Nilubus-lubos daw ng isang guwaping na aktor ang pagiging babaero at maelya nila bago lumagay sa tahimik.
Ikakasal na lang daw siya kinabukasan, aba, may kaniig pa siyang ibang babae, huh! Wala siyang takot dahil tinototoo naman niya dahil after ng kasal, going straight na siya!
Wala nang ibang babaeng nabalita tungkol sa kanya. Pero nung kabataan niya, sabi ng matatanda, lagyan mo lang daw ng palda ang isang poste, naku, yari ito sa aktor! Hahahaha!
Sanya, nagbilad ulit ng katawan
Digital copy pala ang pagbabalik ng isang men’s magazine na nagkaroon ng launching!
Syempre, mas maganda pa rin kung may hard copy dahil marami ang nangongolekta nito gaya ng unang labas noon!
Eh dahil si Sanya Lopez ang cover sa unang issue na sinamahan ng ibang artista, siguro naman makakatulong ang pagbibilad ni Sanya ng katawan upang makaakit ng lalaki at maging dyowa, huh!
‘Di ba, ipinagmalaki ni Sanya kamakailan na may manliligaw na siya after ilang years na tigang sa dyowa? Nawala na nga ‘yung lalaking ‘yon, huh!
- Latest


















