^

PSN Showbiz

Never nag-rate...weekly show ng isang network, titigbakin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sana fake news lang ang nasagap naming kuwentong isang buwan na lang daw ang buhay nitong weekly show ng isang TV network.

Matagal nang napapag-usapang matsutsugi na ito, pero hindi naman natutuluy-tuloy.

Kapansin-pansin na ang hindi magandang ratings, at kahit anong gawin, hindi umaalagwa ang ratings.

Pero sa totoo lang, kailangan pa rin ang show na ito para sa kanilang mga talent.

Kung matuluyan ang pagkatsugi nito, saan na mapapanood ang ibang talents na magagaling naman, pero hindi naman nabibigyan ng ibang show.

Pero negosyo kasi ito. Mahirap pahabain ang isang show na malaki ang inilalabas na budget pero, hindi nababawi ng ratings.

Kaya doon na lang sila sa tipid ang budget, pero pinapanood.

Nagtanung-tanong ako sa ilang taong involved sa naturang show, wala pa silang ideya.

Lalo na ang mga artistang involved, walang kamalay-malay na nanganganib na naman ang kanilang programa.

Sana maisalba pa ito.

Gary, walang bawas ang energy sa kanyang back to the museum!

Iba pa rin talaga ang beteranong performers kung ikukumpara mo sa mga bagong henerasyon.

Sa edad na 62 ay talagang pinanindigan pa rin ni Gary Valenciano ang titulong Mr. Pure Energy.

Kahit sa gitna ng performance nito ay nagtse-check siya ng kanyang blood sugar at sinasabi niyang medyo tumaas ito, ganun pa rin ang performance niya.

Hindi naman daw kailangang itakbo siya sa emergency.

Talagang itinodo niya ang performance sa unang gabi ng concert series niyang Gary V: Back To The Museum na nagsimula noong Huwebes, Oct. 1.

Siya lang ang nasa stage kasama ang banda at back-up singers at dancers sa loob ng mahigit dalawang oras na performance.

Halos hindi tumitigil sa paghiyaw at pagpalakpak ang mga manonood.

Mapapapalakpak ka talaga dahil ang nasa background ng stage ay ang video ng performance niya sa Music Museum na kuha pa 35 years ago. At ang number niya ay isini-sync sa performance niya sa naturang venue noong 1991, at meron ding nung 2003 nung kabataan pa niya.

Walang pagbabago! Ganun pa rin ang energy.

Sabi nga ni Gary V, walang AI ‘yun o Artificial Intelligence. Pakiusap niya, “A couple of things. One is, please don’t be too excited a crowd because it’s gonna be… I’m going to compare you with the one on Saturday night (sa second night ito kagabi).

“But can you imagine what it feels like for somebody like me to be back at the Music Museum? And you guys are here. I’ve done over a hundred shows right here in this venue. Yes, so it’s the venue that I’ve performed in the most.

“Because it’s here where I get to do… wow, almost anything I wanna do. Really. And having one show, it’s never really enough. It has to be one entire series. And it’s something that’s very hard to see… come to an end.”

Kagabi ang second night ng naturang concert series, at meron pa sa Oct. 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 at 31.

Ang tickets ay nagkakahalaga ng ?10,000, ?7,500, ?5,000, ?3,000 at ?1,500. At for the benefit of the Shining Light Foundation.

Hindi ka manghihina­yang sa pinakamahal na ticket, dahil sulit na sulit talaga.

Iba talaga ang isang intimate show na ginagawa niya sa Music Museum, dahil sa interaction niya sa audience.

Sobrang nag-enjoy kami sa By Request niya na kung saan kakantahin niya ang hinihiling na kanta ng audience.

Sa isang venue kagaya ng Music Museum lang niya ito puwedeng gawin dahil sa malapit lang sa kanya ang mga taong nanonood mula sa pinakamalapit hanggang sa pinakamalayong upuan sa stage.

Kaya sabi nga ni Gary V bago niya kinanta ang Dati Rati, “I think it’s obvious na that you see how much I really enjoy what I do? And one big reason why I love coming back to the Music Museum is because of the intimacy of the venue.

“I performed here even in the first... the very first Music Museum, ‘yung nasunog. I was out there by the... right there in front of Teatrino looking the old Music Museum go up in flames. And I never thought that it was gonna come back. It did!

“And since then, well, it’s remain... it’s kept its intimacy. And I feel that when I’m able to do these songs. You know why? To be honest with you, the person farthest away from me is only a stone’s throw away.”

Nagbiro pa siyang susubukan niyang batuhin ang pinakamalayong tao sa stage, na ikinatuwa naman ng audience.

Sabi pa niya, “But it means... it becomes even more memorable when I actually see your faces. I can see if you’re enjoying. I can see if you’re trying to text.

“And there’s always a reason why people have to text. But you know, at least your ears are here to hear the music.

“And many of the songs that I do often have a message na kailangan it’s delivered in an intimate way.

“And so... I mean, especially when you talk about songs that tagged at the broken heart or that embrace a weary soul. Or maybe even help uplift and encourage somebody who’s spirit is crushed. But all within the realm of inspiration.”

Sa totoo lang, hindi ka magsasawa. Gusto mo pang manood uli sa mga susunod na gabi nito.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with