3 inaresto sa iligal na bentahan ng krudo
MANILA, Philippines — Tatlong indibiduwal na sangkot sa iligal na bentahan ng krudo sa Negros Oriental ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Ayon kay CIDG Director, Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, nagkasa ng operasyon ang PNP-CIDG matapos na makatanggap ng reklamo mula sa isang concerned citizen sa Brgy. Bolocboloc, Sibulan, Negros Oriental.
Sinabi ni Morico na sa isinagawang police operation, nakumpiska ang dalawang fuel machines na naglalaman ng gasolina na nagkakahalaga ng P1.3 milyong piso.
Nasukol ang tatlo matapos mabigong magpakita ng anumang dokumento na nagbibigay pahintulot sa kanila na magbenta ng krudo sa bisa ng Certificate of Compliance mula sa Departmet of Energy (DOE).
- Latest















