3 pinakamataas na lider ng NPA-Bicol, nadakip
Pili, Camarines Sur., Philippines – Inaasahan ng pamunuan ng 9th Infantry “Spear” Division, Philippine Army sa pangunguna ni acting commander Brig. Gen. Ariel Reyes ang lalong paghina at posibleng tuluyang pagkabuwag ng natitirang pwersa ng New People’s Army sa Kabikolan matapos ang matagumpay na pagkakahuli sa 3 pinakamatataas na lider ng Bicol Regional Party Committee sa magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Quezon at Rizal kamakalawa.
Alas-10 ng gabi noong Miyerkules, sa tulong ng Rizal PNP ay matagumpay na nahuli ng mga sundalo na kasapi ng 902nd Infantry Brigade na nagmula sa Labo, Camarines Norte sa Brgy.Bagong Nayon, Antipolo City sina Jaime Velasco Jr., alyas “Senen,” “Sineng,” “Steve,” “Kier,” “Silca,” “Doro” na acting secretary ng sub regional committee 1, commander ng Platoon l ng Kilusang Larangan Gerilya 1, at executive committee member ng NPA-Bicol Regional Party Committee, na may mga kasong 4 counts of murder, 5 counts ng frustrated murder at direct assault; at si Rudy Catamora Saludar, alias “Ruel Ibañez, “Gemo,” “Payo,” “Jorick”, na deputy secretary at head ng regional organization department, execom member ng BRPC, at secretary ng Sub Regional Committee 4 na may mga kasong murder, frustrated murder, kidnapping at bayolasyon sa anti-terrorism act.
Nabawi sa dalawa ang 2 Kalibre 45 pistola, 2 granada, mga subersibong dokumento.
Arestado rin sa bayan ng Pitogo, Quezon si Joel Toldanes Luceña, alyas Dap, commanding officer ng BRPC Regional Operation Command na may mga kaso rin ng murder, frustrated murder, attempted murder at direct assault.
- Latest


















