Wellness clinic isinusulong regenerative theraphy
MANILA, Philippines — Isinusulong ng VMP Regenerative Clinic ang pagpapalawak ng access ng mga Filipino sa makabagong regenerative therapy bilang karagdagang opsyon sa pangangalaga at pagpapabuti ng kalusugan.
Ayon kay Jacinto, founder at president ng klinika, layunin nitong matulungan ang mga pasyente na mapabuti ang kanilang kalagayan at kalidad ng buhay sa pamamagitan ng personalized na pangangalaga, at mga makabagong pamamaraan ng paggamot.
Sinabi ni Jacinto na nais ng VMP na mailapit sa mas maraming Filipino ang advanced regenerative therapy, lalo na ang mga nangangailangan ng pangmatagalang gamutan at mas abot-kayang serbisyong medikal.
Binigyang-diin niya na maraming pasyente ang umaasa sa pangmatagalang pag-inom ng gamot para maibsan ang pananakit at iba pang sintomas, habang ang ilan ay sumasailalim sa operasyon nang hindi muna nasusuri ang iba pang posibleng opsyon sa paggamot.
Samantala, ilan sa mga pasyenteng sumailalim sa live cell therapy na iniaalok ng klinika bilang anti-aging treatment ang nagbahagi umano ng kanilang karanasan, kabilang ang pagbuti ng lakas ng katawan, kalidad ng pagtulog, at kalinawan ng pag-iisip.
- Latest















