^

Probinsiya

22-anyos tiklo sa baril sa harap ng sementeryo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines  - Kulungan ang binagsakan ng isang 22-anyos na lalaki matapos na nakumpiskahan ng ilegal na baril sa isinagawang Oplan Sita ng mga operatiba ng Lopez Municipal Police Station, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, habang nagsasagawa ng Oplan Sita sa harapan ng isang sementeryo ang mga operatiba ng Lopez Police dakong alas-7:00 ng umaga ay napansin nila ang isang kalibre .45 na baril na nakasukbit sa baywang ng suspek na si alyas “Tommy” nang sitahin habang minamaneho ang isang motorsiklo.

Tinangka pa umanong tumakas ng suspek gayunman ay agad ding naaresto ng mga humabol na pulis.

Nasamsam mula sa suspek ang isang Colt caliber .45 pistol na may pitong bala, dalawang pirasong M14 na bala, at tatlong pirasong M60 na bala na nakuha mula sa kanyang sling bag.

Nabigo rin magpakita ang suspek ng mga kaukulang dokumento para sa legal na pagmamay-ari at pagdadala ng naturang baril.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10591.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with