Cyber safety awareness drive, papaigtingin

MANILA, Philippines — Patuloy na pakikilusin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang limang police district nito, mga city at municipal police station, at community affairs unit bilang bahagi ng preventive campaign laban sa mga online threat at cyber-related crime.
Ayon kay NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano, palalawakin ng inisyatibang ito ang patuloy na Police Community Affairs and Development (PCAD) activities ng NCRPO, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa mga paaralan, civic organization, community leader, at iba pang stakeholder, alinsunod sa direktiba ni Philippine National Police Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Sinabi ni PBGen. Abrahano, sa pamamagitan ng mga umiiral na community-oriented platform, maaaring isama ang cyber safety at responsableng digital citizenship sa mga information at education campaign na isinasagawa na sa mga komunidad.
Kabilang dito ang online scam, phishing attempt, kahina-hinalang link, at mensahe, mapanlinlang na online transaction, account hacking, identity theft, cyberbullying, maling paggamit, at hindi awtorisadong pagbabahagi ng personal na impormasyon, impersonation, mapaminsalang online content, at iba pang uri ng cyber-enabled criminal activity.
- Latest






















