^

Metro

Manibela, may tigil-pasada rin sa Setyembre 28-30

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng ikakasang tigil pasada ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Setyembre 29 at 30, magkakasa rin ng tigil pasada ang transport group na Manibela mula Setyembre 28 hanggang 30 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Manibela chairman Mar Valbuena, ipanawagan nila ang pagbaba ng presyo ng krudo, dagdag-pasahe para sa mga tsuper at operator, at pagtanggal ng excise tax at VAT sa produktong petrolyo. Hiniling din nila ang agarang pagkilos ng pamahalaan laban sa sunud-sunod na oil price hikes.

Sinabi ni Valbuena na lumiit na ang kinikita ng mga tsuper at ope­rator dahil sa mataas na ­presyo ng diesel, habang patuloy na tumataas ang gastos sa pasada. Giit niya, hindi sapat ang pansamantalang ayuda o fuel subsidy kung hindi matutugunan ang ugat ng problema.

Nanindigan ang Manibela na hindi maaa­ring patuloy na pasanin ng mga tsuper at operator ang epekto ng mataas na presyo ng krudo habang hindi naiaakma ang pasahe sa tumataas na gastos.

MANIBELA

PISTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with