^

Metro

Rider nag-counterflow, tinodas ng 2 pang rider!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Rider nag-counterflow, tinodas ng 2 pang rider!
Quezon City Map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines —  Naging mitsa ng buhay ng isang motorcycle rider ang pag-counterflow nito matapos siyang barilin ng isa sa dalawa pang rider na nanita sa kanya sa kahabaan ng Salazar Drive sa Brgy. Balon Bato, Quezon City, iniulat kahapon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/Colonel Randy Silvio, dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente noong Lunes habang ang biktima ay bumabagtas sa Quirino Highway sa harapan ng isang drug store malapit sa panulukan ng Z Salazar Drive, Brgy. Balon Bato, Quezon City matapos ibaba ng biktima ang kaniyang misis malapit sa 7-Eleven Store.

Ang biktima ay nag-counterflow sa nasabing kalsada kung saan kinompronta siya ng dalawang kapwa rider na nauwi sa mainitan nilang pagtatalo.

Ilang saglit pa ay itinabi ng nag-counterflow na rider ang kaniyang motorsiklo at nilapitan ang dalawang nakasagutan nitong rider na huminto naman sa may unahang bahagi ng kalsada.

Gayunman, habang papalapit ang biktimang 30-anyos na rider ay bigla na lang siyang pinaputukan ng baril ng isa sa dalawang rider na kaniyang nakaalitan.

Ang insidente ay nakunan pa sa CCTV, ayon sa opisyal.

“Tingin namin, nasita siya ng dalawang suspect na bakit siya nagka-counterflow. Mga 15 meters, nagkahiwalay na sila. Kaya lang po, bumalik pa itong biktima, pinuntahan niya. At nu’ng naka-stop na po ‘yung dalawang suspect, ay nakahanda na pala (baril),” saad ni Silvio.

Ilang malalakas na putok ng baril ang umalingawngaw kung saan nasapol ng tama ng bala sa dibdib ang biktima na bagaman at nagawa pang makatakbo ay ilang saglit pa ay bumagsak ito na agad isinugod sa Quezon City General Hospital pero idineklara nang dead-on-arrival.

Inihayag pa ni Silvio nadakip naman sa follow-up operation ang isa sa dalawang suspect na kinilala lang sa pangalang Kenneth,  sa Brgy. Sangandaan, Caloocan City.

Nabatid na isa sa mga suspect ay may dating kinakaharap na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with