^

Metro

4-anyos na bata dedo sa sunog sa Pasig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4-anyos na bata dedo sa sunog sa Pasig
Firefighters respond to a first alarm fire that broke out at a residential area in Pupha Compound, Urbano Velasco Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City on September 6, 2025.
East Pasig Fil Chi Fire and Rescue Volunteer Group Inc./FARAR

MANILA, Philippines — Patay ang isang apat na taong gulang na batang lalaki habang sugatan ang kaniyang ina sa sunog na naganap sa residential area  sa Pasig City nitong Sabado ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, ang bata ay na-trap sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa PUPHA Compound, District 4, Pinagbuhatan ng lungsod. Narekober din ang katawan ng bata pero agad itong binawian ng buhay.

Ang 47-anyos na ina ng bata ay nagtamo naman ng second degree burns sa magkabilang braso sa pagtatangkang iligtas ang anak.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasig, dakong alas-2:22 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa nasabing lugar.

Mabilis namang kumalat ang apoy  at natupok ang dalawang bahay sa nasabing compound na pinani­nirahanan ng 5 pamilya.

Naapula naman ang sunog matapos na magresponde ang mga bumbero ganap na 2:46 ng madaling araw.  Patuloy namang inaa­lam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with