^

Metro

Digital learning tools sa public education - Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa wakas, gumagawa ng makasaysayang hakbang ang lokal na pamahalaan ng Quezon City makaraang isama na sa public education ang digital learning tools.

Ito ay naisagawa ng QC government sa pakikipag-tulungan sa Khan Academy Philippines na isang global nonprofit na grupo na nagbibigay ng libre at world-class education sa lahat ng benepisyaryo nito.

Nagsimula ang naturang grupo sa maliit na pilot  test sa may 494 na estudyante noong Agosto 2023 hanggang sa lumaki at umabot sa citywide program na may 62,000 learners noong Abril 2025 na pinakamabilis na rollout ng Khan Academy sa bansa.

Sa loob ng dalawang linggo, lahat ng public school sa Quezon City ay natulungan ng programa.

Kaugnay nito pinasalamatan ng QC LGU ang Khan Acedemy Philippines sa tulong na naiambag sa lokal na pamahalaan para sa pagpapahusay ng edukasyon sa QC.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with