^

Metro

Yosi na ‘tuklaw’ nakamamatay – PDEA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Yosi na ‘tuklaw’ nakamamatay – PDEA
Lumabas sa laboratory tests na isinagawa ng PDEA na may synthetic cannabinoid ang mga sample o kemikal na ginaya sa natural na cannabinoid mula sa marijuana, na ipinagbabawal sa ilalim ng Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay PDEA Spokesperson Joseph Calulut.
Philstar.com / File Photo

MANILA, Philippines — Nagtataglay ng mapanganib na kemikal na nakahalo sa yosing­ “tuklaw” at maaring ikamatay ang nahithit ng ilang katao na nangi­say sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City at Palawan, ayon sa ginawang pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Lumabas sa laboratory tests na isinagawa ng PDEA na may synthetic cannabinoid ang mga sample o kemikal na ginaya sa natural na cannabinoid mula sa marijuana, na ipinagbabawal sa ilalim ng Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay PDEA Spokesperson Joseph Calulut.

Ang nakita sa viral videos na pangingisay at kumbolsiyon ng mga nakahithit ng tuklaw ay dulot umano ng synthetic cannabinoid.

“Yung specific spectra ng cannabinoid na ‘yun, it can cause epilepsy and we have literature on that. It can cause death,” ani Calulut. Ang “tuklaw” o kilala din bilang “black cigarette” ay nagmula sa Northern ­Vietnam bilang “thuoc lao”. Ito ay mas matapang ang nicotine na nasa 9% kumpara sa normal tobacco na 0.6-3.0%. Ayon sa opisyal may tamang sistema ng paggamit sa tuklaw at hindi to sa porma o pamamaraang paninigarilyo.

Hinihintay pa ng PDEA ang resulta ng pagsusuri sa katulad na samples na isinagawa ng pribadong laboratory para sa isusumiteng report sa Dangerous Drugs Board na magpapalabas ng regulasyon hinggil sa synthetic cannabinoid.

Samantala, isa pang insidente ng paghithit ng “tuklaw” ang iniulat naman ng Taguig City Police Station noong Miyerkules, Agosto 6. Nag-viral din ang video ng pangingisay, pagwawala at pag-iyak ng isang 16-anyos na binatilyo, matapos pahithitin ng tuklaw ng riding in tandem na lumapit sa kaniya, sa Brgy. Hagonoy, Taguig. Nag-collapse sa kalsada at isinugod sa ospital ang biktima.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with