^

Metro

‘Pabasa’ ‘wag masyadong nakakabulahaw - Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Ngayong Semana Santa

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Quezon City government ang mga QCitizen na huwag masyadong gawing malakas o nakakabulahaw ang pagsasagawa ng kinagawiang “Pabasa” ngayon Semana Santa.

Ayon kay Dexter Cardenas, hepe ng QC traffic Task Force Management Division sa round the clock na pagbabantay sa mga designated areas  tuwing semana santa ay ang masyadong malakas na pagsasagawa ng Pabasa ng ilang QCitizen ang isa sa pangunahing tawag sa kanila na problema ng ilang taga-lungsod.

Aniya katuwang ng tanggapan ang QC Police sa pagpapakalma sa malakas na ingay ng mga Pabasa tuwing Kuaresma.

“Yung iba kase nagpapabasa na ang lalakas pa ng mga speaker, pinupuntahan namin ‘yan kasama ang QC Police at pinakikiusapan na kung puwede ay hinaan ang volume ng Pabasa,” sabi ni Cardenas.

Anya kahit sino naman ay maaaring nagsagawa ng Pabasa tuwing holy week bastat iwasan lamang ang paggamit ng malalakas na sound systems o amplifiers sa lungsod na nakakaapekto sa ilang qcitizens partikular sa mga may trabaho .

Una nang nagpakalat ng tauhan ang QCTTMD para magbantay sa mga terminal at kaayusan sa mga kalsada na malalapit sa mga simbahan para sa magdarasal.

Pinayuhan din ni Cardenas ang QCitizen na magdala ng inuming tubig kung lalabas ng tahanan  upang hindi ma-dehydrate ngayong maalinsangan ang panahon.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with