^

Metro

Rider na nambutas ng gulong ng motorista, ‘no show’ sa LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inisnab kahapon ng rider na taga-Malabon City ang imbitasyon ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay nang ipinalabas na “Show Cause Order” (SCO) para magpaliwanag sa ginawang pagbutas sa gulong ng isang delivery van na nakaalitan sa kalsada sa Quezon City.

Ayon kay  Renante Melitante, head ng LTO-Intelligence and Investigation Division hindi na magpapalabas ng isa pang SCO ang LTO laban sa rider dahil duma­ting naman ang abogado nito para magpaliwanag sa insidente.

 Gayunman, ayon sa LTO dahil wala ang viral rider  at hindi pumunta sa imbestigasyon ng LTO ay magpapalabas na lamang ng resolosyon ang ahensiya kaugnay ng insidente.

Magugunitang sa viral video, nakita ang rider na tinabihan ang delivery van at tila nakikipagtalo sa driver at maya-maya ay naglabas ng gamit na ipinantusok sa gulong ng van bago humarurot palayo.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with