^

Metro

Holdaper na ‘di marunong magmaneho, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Holdaper na �di marunong magmaneho, arestado
Kinilala ang nadakip na suspek na si Jhonas Lagsa, alyas “Jun”, 26-taong gulang, isang delivery rider, at nakatira sa Pildera St., Brgy. 192, Pasay City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

MANILA, Philippines — Arestado ang isa sa dalawang holdaper na nambiktima sa isang taxi driver makaraang masakote ng mga pulis nang hindi kaagad makatakas dahil sa wala sa kanila ang marunong magmaneho ng sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Intramuros, Maynila.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jhonas Lagsa, alyas “Jun”, 26-taong gulang, isang delivery rider, at nakatira sa Pildera St., Brgy. 192, Pasay City. Pinaghahanap naman ang kaniyang kasamahan na si Dave Dumaol, alyas “Par”, 18, nakatira rin sa Pasay City.Sa ulat ng Ermita Police Station 5, alas-12 ng Martes ng hatinggabi nang holdapin ng dalawang salarin ang taxi driver na hindi na kinilala ng pulisya. Isinakay ng taxi driver ang mga suspek sa Baclaran, Parañaque City at nagpahatid sa may Intramuros.

Pagsapit sa madilim na bahagi ng Intramuros, nagdeklara ng holdap ang mga suspek. Tinangay nila ang P4,000 na kita ng tsuper, saka siya pinalabas ng taxi.

Napansin naman ng biktima na tila hindi marunong magmaneho ng kotse ang mga suspek. Maya-maya pa, bumaba ng sasakyan ang dalawa at nagsitakbo sa magkahiwalay na direksyon.
Masuwerteng agad na nakahingi ng saklolo ang biktima sa mga nagpapatrulyang pulis sa Intramuros.

Agad nagkasa ng operasyon ang mga pulis at nasakote si Jun.
Narekober sa kaniya ang isang gun replica na ginamit sa panghoholdap at isang cellular phone, habang hindi na nabawi ang perang hinoldap na tangay ng nakatakas na suspek.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with