^

Metro

Kelot na itinumba sa Malabon, ‘kinokonek’ sa pagkapaslang kay Jemboy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 20-anyos na lalaki na umano’y pinaniniwalaang ‘na set-up’ sa Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Daniel Gaudia Soria na pinagbabaril at napatay sa Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos, Malabon City.

Naganap ang pangyayari, isang buwan matapos na mapatay sa police operation si Jerhode ‘Jemboy’ Baltazar sa Navotas City.

Nakatira si Soria sa kabilang bahagi ng ilog malapit sa kinamatayan ni Baltazar.

Nakakalaro rin umano ng basketball ni Soria si Baltazar.

Sa pahayag ni LA Moral, live-in partner ni Soria, may kausap na babae sa messenger ang biktima kung saan nagkayayaan na magkita at uminom.

Ayon kay Moral kasamang umalis ng bahay ni Soria dakong alas-7 ng gabi ang kanyang pinsan na si Reynaldo Bolivar na sinasabing tunay na target ng police operation nang araw na mapatay si Baltazar.

Bandang alas-11 ng gabi nang makatanggap si Moral ng text mula sa cellphone ng biktima na patay na ito.

Ilan sa mga saksi ang nagsabing kabababa pa lamang ng tricycle ni Soria at Bolivar nang dumating ang isang motorskilo at pinagbabaril ang biktima.

Ligtas naman si Bolivar kung saan sinabi nito na posibleng ‘na -set up’ si Soria, habang tinangay ng gunman ang cellphone ng biktima.

Samantala, itinanggi naman ni  Malabon City Police chief  Col Jay Baybayan ang report na si Soria ang  target nang mapatay si Baltazar, habang nagsasagawa pa rin silang follow up investigastion upang matukoy ang  pumaslang dito.

vuukle comment

MALABON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with